Naghain kamakailan ang dalawang komitiba ng Sangguniang Panlunsod ng isang resolusyon na ngrerekomenda kay Mayor Vicente Amante sa pagbubuo ng isang “Barangay Livelihood Assistance Desk” sa City Cooperatives Office.
Ayon sa isinumiteng joint committee report ng Committee on Urban Poor and Livelihood sa pamumuno ni Kon. Enrico Galicia at ng Committee on Barangay Affairs sa pamumuno ni Kon. Gener Amante, humihiling sila sa punonglunsod na magbubuo ng isang livelihood assistance team na tutulong sa lahat ng barangay upang makipag-coordinate sa iba’t-ibang government agencies at NGO’s para sa mga livelihood programs at projects na kaya nilang ibigay.
Ang Barangay Livelihood Assistance Team o Desk ay magbibigay lamang ng assistance o coordination sa mga gov’t agencies at NGO’s na nagbibigay ng mga training, technical at financial assistance para sa iba’t-ibang livelihood projects.
Kanila ring inirekomenda ang pag-aamyenda ng functions ng City Cooperatives Office upang isama ang livelihood promotion sapagkat sa ilalim ng tanggapang ito ilalagay ang mabubuong assistance team o desk.
Sa kasalukuyan ay limitado lamang ang mandate ng CCO sa pagbibigay ng technical assistance, training at registration ng mga kooperatiba sa lunsod. Kaya kung ito ay maipapasa sa Sangguniang Panlunsod ay madaragdagan ang functions ng CCO at ito ay tatawagin ng City Cooperatives and Livelihood Office. (CIO-SPC)
Comments
Post a Comment