SANTA CRUZ, Laguna – Isang grupo ng mga eksperto sa computer na tatawaging Yehey Internet Team ang bubuuin ni Gobernador Jeorge “ER” Ejercito Estregan Jr. Na sinasabing magpapalakas ng turismo sa buong Lalawigan ng Laguna.
Sa pamamagitan aniya ng internet ay makikita ng buong linaw ang mga impormasyong nauukol sa turismo ng lalawigan tulaad ng lugar na nanaising puntahan ng mga dayuhang turista.
Makikita aniya sa buong mundo ang mga datos ng impormasyong dapat malaman ng mga turista sa iba’t ibang bansa katulad ng Japan, Korea, United States, Canada, Malaysia, at maraming iba pa, ang sistemang ito umano ay halaw sa estratehiya ng Thailand Tourism Agency na ang gamit na sistema ay magpakalat sa internet nang magagandang tanawin ng kanilang mga tourist spots and attractions na kaya din naman aniyang gawain ng Pangasiwaang Panglalawigan ng Laguna.
Ang pagpapalakas ng turismo sa Laguna ay kabilang sa 15-Point Agenda for Development ng gobernador na tinawag na “Kinse Kumpletos Kontra Kahirapan,” kung saan isa sa pangunahing programa ay ang palakasin ang ating turismo, na kanya nang nasimulan mula pa ng siya ay alkalde ng pinagpalang bayan na tinaguriang Tourst Capital ng Lalawigan ng Laguna, ang Pagsanjan – Tahanan ng Mahal na Birhen ng Guadalupe. (Vic A. Pambuan)
please give me some places in laguna that needs an improvement thankyou
ReplyDelete