Skip to main content

SAN PABLENANG MIYEMBRO NG UST SINGERS PINARANGALAN

     San Pablo City -  Isa na namang San Pablena ang muling nakapagbigay ng karangalan sa Lunsod ng San Pablo sa larangan ng musika. Pinarangalan si Bb. Maybel B. Adriano ni Punonglunsod Vicente B. Amante na kinatawan ni City Administrator Loreto “Amben” S. Amante at ni Bise Alkalde Angelita E. Yang noong nakaraang Lunes (Agosto 9) sa isinagawang lingguhang pagtataas ng watawat sa One Stop Processing. Center.

     Si Maybel ay anak nina Konsehal Angelo Adriano at ng maybahay nitong si Maricon ay kabilang sa miyembro ng pamosong grupo na University of Sto. Tomas Singers. Ang grupo ay marami ng beses na nagkamit ng mga karangalan sa mga international competitions. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:  First Prize Award sa Festival Internacionale De Musica sa Catalonia Spain noong nakaraang Hulyo 15-18, 2010; Choir of the World sa 63rd Llangolen International Music Competition sa Wales, United Kingdom noong nakaraang Hulyo 6-11, 2010; Golden Diploma for Excellent Performance sa 6th International Choir Festival Mundus   sa Sopot, Poland noong nakaraang  Mayo 19-23, 2010; nahirang rin silang Outstanding Performer sa  56th Cork International Choral Festival sa Ireland, United Kingdom noong Abril 28 hangang Mayo 2, 2010; at nakamit ang First Prize Award sa 17th Bangor International Choir Festival in New Ireland, United Kingdom noong Abril 21-25, 2010.

     Ikinarangal naman ni City Admin. Amben ang mga natamong karangalan ng grupo at hiniling na sana’y magsilbi itong inspirasyon sa lahat ng kabataang San Pableno upang linangin ang kanilang mga angking galing at talino. Samantala, isang complimentary cd ang  inabot ni Bb. Adriano sa administrador at kay VM Angie bilang pasasalamat sa gawad parangal na ipinagkaloob sa kanya. (CIO-San Pablo)

Comments

Popular posts from this blog

DOÑA LEONILA (MINI-FOREST) PARK

What is now known as Doña Leonila (Mini-Forest) Park overlooking the Sampaloc Lake is actually a portion of the site for the City Hall Complex purchased in 1937 by the Municipal Government of San Pablo headed by President Inocencio Barleta, which was partly developed after the termination of World War II under the administration of appointed City Mayor, Dr. Fernando A. Bautista. During the incumbency of elected Mayor Lauro D. Dizon Sr., with the help of the Rotary Club of San Pablo, and under the supervision of Dr. Juan B. Hernandez, then club secretary of the local Rotary Club and Chairman of the City Beautification Committee, constructed some park structures at the park, with the fountain featuring the country lass with agriculture harvest as centerpiece. Probably, Hernandez and then City Engineer Perfecto Reyes were inspired by the figures affixed on the façade of the City Hall Building which symbolizes progress. Sometimes on April of 1961 when then President Carlos Garcia made a...

FELICISIMO T. SAN LUIS, ANG ALAMAT NG LAGUNA

Si Abogado Felicisimo Tobias San Luis, na isinilang noong Hunyo 23, 1919, at lumaki sa Bayan ng Santa Cruz, ay nanungkulang Punonglalawigan ng Laguna simula noong Disyembre 30, 1955 hanggang sa siya ay papagpamahingahin noong Disyembre 18, 1992, o siya ay tuloy-tuloy na nanungkulan sa loob ng 36 taon, 11 buwan, at 18 araw, na kinikilala ng kasaysayan na siya ang natatanging lider na nanungkulan bilang punong tagapagpaganap ng isang lalawigan sa Pilipinas sa ganoong kahabang panahon.      Isang mabuting mananalumpati, nang ibaba ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Martial Law o ng ipatupad ang Presidential Proclamation No. 1081 noong 1972, sila ni Alkalde Cesar P. Dizon ng Lunsod ng San Pablo noon, ang inatasan ng Pangulo ng Bansa na maglibot sa mga lalawigan ng bansa upang ipaunawa sa mga pinunong lokal   ang kahulugan ng Martial Law bilang isang proseso upang maitatag ang Bagong Lipunan na inaasahang magbibigay-daan upang makamit ang pambansang kaunlarang pa...

San Pablo City’s Hagdang Bato

             Nobody knew the number of steps it has:   when it was constructed and by whom,   until Mayor Vicente B. Amante asked his private secretary to actually count the number of steps and copy the wordings on the tablets affixed on the lower part of the park structure.             The Hagdang Bato (concrete stairway) leading to the Sampaloc Lake, which is now a famous local landmark, is now part of the logo or official seal of San Pablo, being the City of Seven Lakes.           It was constructed in November 1915 under the administration of municipal president Marcial Alimario, but many, including the youth and technical personnel of the local engineering office, simply look it for granted.  Nobody knew the number of steps it has, when it was constructed and by whom, until Mayor Vicente B. Amante asked his private secreta...