Sa pagtataguyod at pagtangkilik ng Junior Chamber International (JCI) San Pablo Seven Lakes, ay isasagawa ang 13th Kabyaw Para Sa Kalikasan, isang 70-kilometer Mountain Bike Race na lilibot sa buong Lunsod ng San Pablo na isang pagsisikap na madalaw ang pitong (7) lawa sa loob lamang ng ilang oras , ngayong darating na Linggo, Setyembre 13, 2009 sang-ayon kay JCI Member Jose “Jojo” A. Agoncillo Jr., pangulo ng lokal na organisasyon. Ang Project Chairman para sa ika-13 karera ay si JCI Member Michael Perez.
Ang starting point ay sa
Isang taunang proyekto ng JCI San Pablo, na lalong kilala bilang San Pablo “Seven Lakes” Jaycees, ang Kabyaw Para Sa Kalikasan sa paliwanag ni Pangulong Jojo Agoncillo ay naglalayong mapasigla ang eco-tourism industry ng Lunsod ng San Pablo, sa pamamagitan ng paghikayat sa mga kabataan na dalawin ang iba’t ibang bahagi ng lunsod, sapagka’t kung nagiging pamilyar ang isang tao sa kanyang kapaligiran, ay nagkakaroon siya ng damdamin at malasakit na ang kapaligirang ito ay mapangalagaan.
Si Alkalde Vicente B. Amante ay isa sa patuluyang sumusuporta sa Palatuntunang Kabyaw Para Sa Kalikasan, samantala si JCI Member Loreto S. Amante, sa kanyang kapasidad bilang City Administrator ay siyang naging tagapag-ugnay sa iba’t ibang ahensya na kinakailangan ang pakikipagtulungan, tulad ng pulisiya at Public Safety Assistance Force para sa daloy ng trapiko at ruta, City Health Office at Philippine National Red Cross para sa first aid and other medical services, at Liga ng mga Barangay at City Engineer’s Office para sa kaayusan ng mga lansangan tataluntunin ng karera. (Ruben E. Taningco)
Comments
Post a Comment