TANING KO
Ni Ruben
Sa Englatera, tulad sa India, ang mga pribadong lupain na kinukuha ng gobyerno sa paraang eminent domain or compulsory purchase para pagtayuan ng mga pambayang paggawain, tulad ng lansangan, mga gusaling pampaaralan, mga gusaling pampagamutan, at iba pang mga istrakturang ang mga nakararami ang makikinabang, ay pinagkakalooban ng karagdagang kompensasyon bilang kabayaran sa kasiphayuan nadama ng may-ari ng lupa sa pagkaalis sa kanyang posisyon ng minamahalaga niyang pag-aari.
Halimbawa, kung ang commercial value ng isang lote ay $100 bawa’t metro kuwadrado, kung ito ay sapilitang kukunin ng gobyerno para maging bahagi ng isang bubuksang lansangan, ito ay maaaring bayaran ng mula sa $110 hanggang $115 bawat metro kuwadrado, sapagka’t sila ay mapipilitang lumipat ng ibang lugar na pagtatayuan ng aalising tahanan, at ang paglipat na ito ay apektado ang kinagawiang takbo ng pamumuhay, tulad ng ang mga bata ay mapapalayo sa paaralang kanilang kinatatalaan, ang mga kagawad ng sambahayan ay mapapalayo sa gusaling sambahan ng sektang kanilang kinabibilangan.
Dito sa Pilipinas, hindi rin inuuyanan ng gobyerno ang nagugol ng kinukunan ng lupa ng gugol sa pagpapasukat sa isang lisensyadong agrimentor para matiyak ang espisipikong sukat ng apektadong lote, sa paghahanda ng mga papeles, tulad ng gugulin sa estra-judicial partition kung ang apektadong lote ay mana ng magbibili, at mga katulad nito.
Inuunawa rin ng gobyerno sa Englatera na kung ang isang tahanang may floor area na 100 square meter ay natayo noong Tayong 1990 sa halagang $15,000, kung ang katulad na tahanan ay ipatatayo sa ibang lugar, noong Taong 2005, ay maaaring halos doble na ang halaga, kaya sila ay dapat na pagkalooban ng karagdagang kompensasyon para sa “injured feelings: damages awarded for emotional suffering.”
Marahil ay hindi masamang pag-aralan ng Kongreso ang suliraning ito ng sapilitang pagbili ng mga lote para pagtayuan ng proyekto ng pamahalaan, para ang kabayaran ay maging tunay na maging makatarungan sa mga kinauukulan.
Comments
Post a Comment