Sa malasakit ni Alkalde Vicente B. Amante, si City Administrator Loreto :Amben” S. Amante sa tulong ng Princeton Migration Services ay magtataguyod ng “Information Seminar on How to Live, Work and Study in Australia, Canada, and United Kingdom,” sa darating na Hunyo 27, 2008, araw ng Biyernes, sa Girl Scout of the Philippines (GSP) Headquarters sa may Doña Leonila Park simula sa ganap na ika-9:00 ng umaga hanggang ika-11:00 ng tanghali.
Ayon kay City Administrator Amben Amante, kung ang isang tao ay nalalaman niya sa kanyang sarili na siya ay may sapat na katangian bilang indibidwal, kamalayan, at karanasan, ay huwag na lamang basta mangarap, sapagka’t kung sila ay makakapagtamo ng tamang impormasyon at pagpapayo, ay malaki ang kanilang pagkakataon na makapanirahan, para makapag-aral o makapaghanap buhay sa Australia, Canada, at Gran Britanya, at may katiyakang lehitimo ang lahat ng isinasagawa nilang pakikipag-ugnayan sa mga nagbabalak na manirahan sa labas ng Pilipinas.
Ipinauunawa ni Amben Amante na ang Princeton Migration Services na may punong tanggapan sa Unit 1206 sa 12th Floor ng City and Land Mega Plaza sa ADB Avenue corner Gamel Road sa Oretigas Centre sa Pasig City, ay isang kilalang immigration law firm na may kaugnay na mga kilalang abogado at professional adviser na makatutulong upang makakuha ng visa upang makapasok sa nabanggit na mga bansa
Ang lahat ng may interes na manirahan sa nabanggit na mga bansa, ay maaring makahiling ng karagdagang impormasyon sa pamamag-itan ng pagti-text kay Ms. Clem sa Cellphone No. 0916-768 9597, o tumawag sa mga telepono bilang (02) 914-1238 at (02) 706-2676, para makadalo sa dalawang oras na seminar.(RET)

Comments
Post a Comment