SAN PABLO CITY – Taliwas sa inaakala ng marami, ang San Pablo City Water District (SPCWD) ay nagbabayad ng real estate taxes o buwis sa mejoras, sapagka’t ito ang itinatagubilin ng Local Government Code of 1991, na sinasang-ayunan ng Opinion No. 175, Series of 2006 ng Office of the Government Corporate Counsel (OGCC) ng Department of Justice na pinalabas noong Agosto 16, 2006 sang-ayon kay City Assessor Celerino Barcenas.
Gayon pa man, nilinaw ni Barcenas na ang ipinagbabayad lamang ay ang lote at gusali, at exempted na ipagbayad ng buwis para sa mga makinarya at iba pang kagamitang kinakailangan sa maayos na operasyon ng water district. (Ben Taningco)
Comments
Post a Comment