Ang Kagawaran ng Siyensya at Teknolohiya or Department of Science and Technology (DOST) na natatag noong Hunyo 13, 1958 upang maging tagapag-ugnay ng lahat ng mga gawain sa larangan ng siyensya at teknolohiya sa bansa, bilang pagtugon sa pangangailangan para matamo ang pambansang kaunlaran, at mabalangkas ang mga layunin, palatuntunan, at gawain na gagabay sa pag-uunauna ng mga dapat ipatupad para sa kagalingang pambansa.
Nang si Science Secretary Estrella F. Alabastro ay maging panauhing tagapagsalita sa pagdiriwang ng ika-20 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Philippine Council for Aquatic and Marine Research and Development (PCAMRD), kanyang nabanggit ang nakatakdang paggunita sa Ika-50 Taon ng Pagkakatatag ng kagawaran ay tatampukan ng iba’t ibang palatuntunan, tulad ng pagkakaloob ng gawad sa 50 namumukod o naging matagumpay sa paggamit ng mga kamalayan at kasanayang salig sa siyensya at teknolohiya; at pagkilala sa mga naging kalihim ng kagawaran na namayapa na.
Ang Kagawaran ng Siyensya at Teknolohiya ayon kay Kalihim Estrella F. Alabastro ay natatag bilang National Science Development Board o Pambansang Lupon sa Pagpapaunlad ng Siyensya noonf Hunyo 13, 1958 bilang pag-alinsunod sa isang batas na pinagtibay ng Kongreso, na noong Marso 17, 1982 sa bisa ng isang dekreto ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ay nataas ang antas bilang National Science and Technology Authority (NSTA), at sa bisa ng Executive Order No. 128 na pinagtibay ni Pangulong Corazon C. Aquino noong Enero 30, 1987 ay ganap na nataas sa antas ng isang kagawaran, na inaatasang magtakda ng mga gabay at direksyon, liderato, at pag-uugnayugnay sa lahat ng pagsasakit sa larangan ng siyensya at teknolohiya sa bansa. Ang kagawaran ang inatasang bumalangkas ng mga layunin, palatuntunan, at proyekto na tutulong upang matamo ang pambansang kaunlaran.
Magkakaroon din ng isang pangkulturang patatanghal na kikilalaning Gabi ng SINAG (Sining at Agham) na gaganapin sa UP Theater sa Diliman, at ilulunsad ang isang aklat na tinatawag na Coffee Table Book na nagtatampok sa kasaysayan, at mga nagawa ng kagawaran sa nakalipas na 50 taon.(Ben Taningco)
Comments
Post a Comment