Skip to main content

Dr. Jaime Aristotle B. Alip, Namumukod na San Pableño


Kaugnay ng pagdiriwang ng ika-68 anibersaryo ng pagkakatatag ng Lunsod ng San Pablo, si Dr. Jaime Aristotle Barte Alip ay napiling isa sa Mga Namumukod Tanging San Pableño o The Outstanding San Pableños, na pinarangalan ng pangasiwaang lunsod sa isang pagtitipon dito sa Coco Palace Hotel and Restaurant noong Martes ng gabi, kasama ng iba pang maipagmamalaking anak ng pamayanang kilala bilang Lunsod ng Pitong Lawa.

Si Dr. Jaime Aristotle Barte Alip ang naglunsad noong 1986 ng isang microfinance project dito sa Lalawigan ng Laguna na tinatawag na Center for Agricultural and Rural Development (CARD) upang makapagkaloob ng walang panagot na pautang na umaabot sa P2,000 upang makatulong sa mga mahihirap na mamamayan na matulungan ang kanilang sarili. Ngayon, ang CARD Mutually Reinforcing Institutions (Group of Companies ) ay may 500,000+ na kliyente o natutulungan na ang nakararami ay kababaihan na matatagpuan sa lahat ng sulok ng bansa, at sila ay umaasa na bago sumapit ang Taong 2009 ay makakatulong na sila sa 1-milyong sambahayan sa pamamagitan ng pagpapahiram ng puhunan na halos ay walang patong na tubo.

Ang kanilang mga kliyente ay sinasanay sa wastong pagbibili ng ano mang artikulo ng kalakalang kanilang malilikha, pangangasiwa ng kanilang munting negosyo, pagpapaunlad ng produktong sandigan ng kanilang gawain o hanapbuhay, at iba pang kamalayan tungo sa ikapagtatagumpay ng kanilang pamumuhunan.

Si Dr. Alip ay tumanggap na ng mga pagkilala at pagpapahalaga mula sa mga lider ng mga papaunlad na bansa dito sa Asia na nakikinabang sa kanyang microfinancing project, at ang kaunaunahang pagkilala sa kanya ay kaloob ni Pangulong Corazon C. Aquino. Siya ay isang malapit na kasangguni ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa suliraning pangkabuhayan, kahit noong mga panahong si PGMA ay Kalihim ng Kagawaran ng Kagalingang Panglipunan at Pagpapaunlad. (RET)

Comments

Popular posts from this blog

DOÑA LEONILA (MINI-FOREST) PARK

What is now known as Doña Leonila (Mini-Forest) Park overlooking the Sampaloc Lake is actually a portion of the site for the City Hall Complex purchased in 1937 by the Municipal Government of San Pablo headed by President Inocencio Barleta, which was partly developed after the termination of World War II under the administration of appointed City Mayor, Dr. Fernando A. Bautista. During the incumbency of elected Mayor Lauro D. Dizon Sr., with the help of the Rotary Club of San Pablo, and under the supervision of Dr. Juan B. Hernandez, then club secretary of the local Rotary Club and Chairman of the City Beautification Committee, constructed some park structures at the park, with the fountain featuring the country lass with agriculture harvest as centerpiece. Probably, Hernandez and then City Engineer Perfecto Reyes were inspired by the figures affixed on the façade of the City Hall Building which symbolizes progress. Sometimes on April of 1961 when then President Carlos Garcia made a

FELICISIMO T. SAN LUIS, ANG ALAMAT NG LAGUNA

Si Abogado Felicisimo Tobias San Luis, na isinilang noong Hunyo 23, 1919, at lumaki sa Bayan ng Santa Cruz, ay nanungkulang Punonglalawigan ng Laguna simula noong Disyembre 30, 1955 hanggang sa siya ay papagpamahingahin noong Disyembre 18, 1992, o siya ay tuloy-tuloy na nanungkulan sa loob ng 36 taon, 11 buwan, at 18 araw, na kinikilala ng kasaysayan na siya ang natatanging lider na nanungkulan bilang punong tagapagpaganap ng isang lalawigan sa Pilipinas sa ganoong kahabang panahon.      Isang mabuting mananalumpati, nang ibaba ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Martial Law o ng ipatupad ang Presidential Proclamation No. 1081 noong 1972, sila ni Alkalde Cesar P. Dizon ng Lunsod ng San Pablo noon, ang inatasan ng Pangulo ng Bansa na maglibot sa mga lalawigan ng bansa upang ipaunawa sa mga pinunong lokal   ang kahulugan ng Martial Law bilang isang proseso upang maitatag ang Bagong Lipunan na inaasahang magbibigay-daan upang makamit ang pambansang kaunlarang pangkabuhayan at umiral an

BARBARA JEAN APOSTOL A San Pableña
Passed the BAR Examination in the State of New York, U. S. A.

Miss Philippines-USA 2004-2005, Barbara Jean Chumacera Apostol, 27, passed the New York State’s examination for admission to the BAR given on July 24-25, 2007 . She attained her law degree at Hofstra University School of Law in the State of New York where she graduated with honors last May 20, 2007 . At Hofstra Law School , Barbara was the Vice President of the Asian Pacific American Law Students Association and was appointed to the position of Diversity Affairs Coordinator by the president of the Student Bar Association. Ms. Apostol was a 2002 cum luade graduate of Boston College, one of the oldest Jesuit University in the United States with campus in Chestbut Hill, Massachusetts, where she majored in pre-law and communication studies. Incidentally, she completed her elementary and secondary education at Sachem High School in Lake Ronkonkoma, NY. Barbara Jean is a daughter of Antonio Apostol and former Abecinia “Baisy” Chumacera of Barangay San Francisco, San Pablo Ci