Ang dating P255 para sa paghiling ng Certificate of Non-Marriage (CENOMAR) na karaniwang pangangailangan ng mga humihiling ng lisensya sa pagpapakasal o marriage license ay itinaas na rin sa halagang P270 bawa’t sipi, sang-ayon kay Local Civil Registrar Benedicto D. Danila.
Samantala, nabatid mula na ang kabuuang halaga na dapat bayaran sa pagtubos o pagkuha ng lisensya sa pagpapakasal ay P210, para sa sumusunod: Marriage Application Form, P10; Application Fee, P50; Seminar on Family Planning, P50; at Marriage License, P100. Lakip na ipinaaalaala na ang lisensya ay makukuha lamang pagkalipas ng sampong (10) araw mula sa araw na ito ay ilahad o i-file sa Local Civil Registry Office, na nasa Window 1 sa One Stop Processing Center.
Ipinapayo ni Danila sa mga nagsisipagbalak magpakasal na kumuha muna ng marriage license bago itakda ang araw ng kasal, sapagka’t ito rin naman ang dapat ipakita sa pakikipag-ugnayan sa magkakasal, maging ito ay pinunong bayan o lider relihiyoso. (RET)
Comments
Post a Comment