Skip to main content

BEER PLAZA NA KAUGNAY NG COCOFEST 2008

Gaya ng nakaugalian kung isinasagawa ang taunang Cocofest, sa darating na Enero 7 – 15, 2008 ay muling magkakaroon ng gabi-gabing beer plaza sa kahabaan ng Avenida Rizal na maituturing ng isang institusyon na nagtatampok sa mga produkto ng San Miguel Brewery, Inc., lalo na ang San Miguel Pale Pilsen sang-ayon kay Advocacy Officer Mac Dormiendo.

Magugunitang si Dormiendo ang isa sa mga naging kasangguni ni Mayor Vicente B. Amante ng balangkasin ang palatuntunang naging batayan sa pagkapaglunsad ng Coconut Festival noong Enero ng 1996 na ang pinakatampok ay ang Mardi Gras o Street Dancing Competition, at kanyang sinabing ang beer plaza ay maitutulad sa “pundahan” na ginaganap sa San Pablo noong bago sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pangdaigdig sa harapan ng simbahan, na noon ay karaniwang tinatawag na Plaza Rizal, na ang ugat ay ang tradisyon ng Oktoberfest na taunang isinasagawa sa Alemanya, na unang itinanghal sa Munich noong Oktobre 12, 1810 upang magbigay saya sa paggunita ng anibersaryo ng kasal nina King Ludwig at Princess Therese na ang pinakatampok ay ang pagpapainum ng cerveza na ang pulutan ay longganisa.at litsong baka.

Sa isang pananaliksik, napag-alamang noong bago magkadigma, ang paboritong pulutang inihahain sa mga pundahan ay ginataang hipong Palakpakin na may pako, gulay na (uod ng) laywan na ang paasim ay tinuyong kalamyas, at lunganisang gawang bahay na tinuyo sa sikat ng araw..
Naniniwala si Dormiendo na ang tradisyon ng Oktoberfest, na karaniwan tinatawag sa lunsod na beer plaza, gaya ng naging karanasan ng marami nang itaguyod ng Rotary Club of Silangang San Pablo noong nakaraang Buwan ng Oktubre sa PAMANA Hall, ay dapat pasiglahin dahilan sa ito ay lumilikha sa mga magkakapalagayang-loob na maging mga tunay na magkakaibigan, lalo at iisiping ang pag-inum ng San Miguel Pale Pilsen ay bahagi na ng kultura at pagpapahalaga ng mga Pilipino, at katunayan nito, sa palagay ng marami, simula pa noong 1890 ay kinikilala na itong isang “health tonic,” o nakakapagpasigla sa diwa at damdamin ng mga umiinum nito. (Ben Taningco)

Comments

Popular posts from this blog

DOÑA LEONILA (MINI-FOREST) PARK

What is now known as Doña Leonila (Mini-Forest) Park overlooking the Sampaloc Lake is actually a portion of the site for the City Hall Complex purchased in 1937 by the Municipal Government of San Pablo headed by President Inocencio Barleta, which was partly developed after the termination of World War II under the administration of appointed City Mayor, Dr. Fernando A. Bautista. During the incumbency of elected Mayor Lauro D. Dizon Sr., with the help of the Rotary Club of San Pablo, and under the supervision of Dr. Juan B. Hernandez, then club secretary of the local Rotary Club and Chairman of the City Beautification Committee, constructed some park structures at the park, with the fountain featuring the country lass with agriculture harvest as centerpiece. Probably, Hernandez and then City Engineer Perfecto Reyes were inspired by the figures affixed on the façade of the City Hall Building which symbolizes progress. Sometimes on April of 1961 when then President Carlos Garcia made a

FELICISIMO T. SAN LUIS, ANG ALAMAT NG LAGUNA

Si Abogado Felicisimo Tobias San Luis, na isinilang noong Hunyo 23, 1919, at lumaki sa Bayan ng Santa Cruz, ay nanungkulang Punonglalawigan ng Laguna simula noong Disyembre 30, 1955 hanggang sa siya ay papagpamahingahin noong Disyembre 18, 1992, o siya ay tuloy-tuloy na nanungkulan sa loob ng 36 taon, 11 buwan, at 18 araw, na kinikilala ng kasaysayan na siya ang natatanging lider na nanungkulan bilang punong tagapagpaganap ng isang lalawigan sa Pilipinas sa ganoong kahabang panahon.      Isang mabuting mananalumpati, nang ibaba ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Martial Law o ng ipatupad ang Presidential Proclamation No. 1081 noong 1972, sila ni Alkalde Cesar P. Dizon ng Lunsod ng San Pablo noon, ang inatasan ng Pangulo ng Bansa na maglibot sa mga lalawigan ng bansa upang ipaunawa sa mga pinunong lokal   ang kahulugan ng Martial Law bilang isang proseso upang maitatag ang Bagong Lipunan na inaasahang magbibigay-daan upang makamit ang pambansang kaunlarang pangkabuhayan at umiral an

BARBARA JEAN APOSTOL A San Pableña
Passed the BAR Examination in the State of New York, U. S. A.

Miss Philippines-USA 2004-2005, Barbara Jean Chumacera Apostol, 27, passed the New York State’s examination for admission to the BAR given on July 24-25, 2007 . She attained her law degree at Hofstra University School of Law in the State of New York where she graduated with honors last May 20, 2007 . At Hofstra Law School , Barbara was the Vice President of the Asian Pacific American Law Students Association and was appointed to the position of Diversity Affairs Coordinator by the president of the Student Bar Association. Ms. Apostol was a 2002 cum luade graduate of Boston College, one of the oldest Jesuit University in the United States with campus in Chestbut Hill, Massachusetts, where she majored in pre-law and communication studies. Incidentally, she completed her elementary and secondary education at Sachem High School in Lake Ronkonkoma, NY. Barbara Jean is a daughter of Antonio Apostol and former Abecinia “Baisy” Chumacera of Barangay San Francisco, San Pablo Ci