Nabatid sa isang ulat mula sa Samal City sa Davao Oriental na ang pagtatanim ng saging sa mga pataniman ng niyog ay makatutulong sa pagsugpo sa paninira ng brontispa longossima, ang maliliit na insektong may uring salagubang na lumalaganap na peste sa niyog, dahil sa ang earwig, isang ring uri ng insekto na kumakain ng brontispa, ay mabilis dumami at nabubuhay sa mga puno ng saging.
Sang-ayon kay Pangulong Danilo Coronacion ng Coconut Industry Investment Fund – Oil Mills Group (CIIF-OMG), inilunsad sa Island Garden City of Samal (IGACOS) ang “Palatuntunang Kasagingan sa Kaniyugan”, isang banana- coconut intercropping project, sa pagtutulungan ng Department of Agriculture-High Value Commercial Crops Program (DA-HVCC) at ng Local Government Unit of IGACOS.
Dito sa Laguna, ang Philippine Coconut Authority (PCA) ay may katulad na palatuntunan o intercropping program, lamang ay iba’t ibang halaman ang iminumunkahing itanim ayon kay Provincial Coconut Development Manager Lanie M. Lapitan.
Sa ilalim ng Kaniyugan Project, ang kooperatiba ng mga magtatanim ng niyog ay pagkakalooban ng CIIF-OMG ng pondo na hindi kukulangin sa P1.9-milyon para matustusan ang pagtatanim ng tissue-culture cardaba banana sa mga pataniman ng niyog, samantala ang mga extension worker ng Kagawaran ng Pagsasaka at ng Office of the City Agriculturist ang magkakaloob ng kamalayang teknikal at magsasagawa ng pagsasanay sa teknolohiya ng pagtatanim ng saging, at sa tamang pagbibenta ng kanilang ani, halimbawa ay sa pakikipag-ugnayan sa mga banana chips processor sa rehiyon, pabalita ni Coronacion.
Ang Palatuntunang Kasagingan sa Kaniyugan ay nagpatunay na may katumpakan ang isang mungkahi ni Researcher Pedrito D. Bigueras ng City Information Office noon na ang taunang Mardi Gras or Street Dancing Competition ay tawaging “Kaniyugan Festival” upang maayos na mapatuon sa industriya ng niyog ang pagdiriwang o pagsasaya.
Ipinaaalaala noon ni Bigueras na sa Makati City ay tinatawag na Carascol Festival ang kanilang pagdiriwang na may uri ring Mardi Gras; sa Bayan ng San Pedro ay “Pestibal ng Manok ni San Pedro.” Masskara Festival sa Bacolod City; Panagbenga Festival sa Baguio City; Pugutan sa Marinduque, at Ati-Atihan Festival sa Kalibo, Aklan. (Ben Taningco)
Through the "Kasagingan sa Kaniyugan" Project, IGACOS farmer cooperatives will be given a financial assistance of at lease P1.9M for planting tissue-culture cardaba banana under coconut trees including farm inputs. For farmers to get the maximum production output, additional assistance such as training and technical information will be provided.
The project will also provide marketing assistance to beneficiaries particularly in linking them with banana chips processors in the region.
The project will also provide marketing assistance to beneficiaries particularly in linking them with banana chips processors in the region.
The "Kasagingan sa Kaniyugan" is a project of the Department of Agriculture-High Value Commercial Crops Program (DA-HVCC) and the Local Government of IGACOS. The Coconut Industry Investment Fund - Oil Mills Group (CIIF-OMG) is funding the project.
CIIF-OMG President Danilo Coranacion said that his office supports the banana-coconut intercropping as this kind of business provides a win-win situation to banana and coconut industries.
Coronacion said that while planting banana provides additional income to coconut farmers it also addresses the processor's demand for banana.
"This in turn help boost the coconut industry as coconut oil is being used in banana processing," he said.
Comments
Post a Comment