TANING KO
Ni Ruben E. Taningco
Ni Ruben E. Taningco
Bagama’t pagpapatanim ng mga puno ay hindi opisyal na gampanin ng isang mambabatas, sapagka’t ito ay pananagutan ng sangay ng tagapagpaganap, ay kapuri-puri ang pagsasakit ni Congresswoman Ma. Evita R. Aragon na makipagtulungan sa Department of Agriculture sa pagpapatupad ng malawakang palatuntunan ng pagtatanim ng mga punong namumunga, tulad ng rambutan, mangga, tsiko, langka, at iba pang orchard plant na ang naaaning bunga ay mataas ang halaga sa pamilihan.
Ang pamamahagi ng mga pananim ay sa tulong ng mga sangguniang barangay sa kanyang distrito, sa pasubaling may gagabay sa magtatanim na may kamalayan sa tamang pagtatanim ng puno, at pangangasiwa sa pataniman upang makatiyak na ang ipinamamahaging mga puno ay pakikinabangan pagdating ng takdang panahon.
Kami ay naniniwala na ang palatuntunang ito ay isang palatuntunang unti-unting magtatayo ng bantayog para kay Congresswoman Ivy Arago sa puso ng mga mamamayan ng kanyang distrito, lalo na yaong mga nasa kanayunan.
Aming nagugunita ang isang kaisipan ng mga Intsik na napasama sa talaan ni Confucious, na ang isang tao para umano maalaala sa isang panahon ay magsulat ng aklat, subali’t kung nais maalaala sa loob ng mahabang panahon, ay magpatanim ng mga puno, kaya pagkalipas ng lima hanggang anim na taon mula ngayon, ang bawa’t punong namumunga ay magsisilbing tagapagpaalaala ng malasakit ni Congresswoman Ivy Arago para sa katatagan ng kinabukasan ng kabuhayan at kapaligiran.
Sabagay, nalalaman na ng marami, na ang apelyedong Arago ay kasingkahulugan na ng mataas na lahing rambutan, sapagka’t isang tiyuhing buo ni Atty. Hizon A. Arago, ay kinilalang “Rambutan King ng Pilipinas” dahil sa pagkapagpaunlad ng mga lahi ng rambutan na matatag sa kalalagayan ng mga pataniman sa bansa, na masagang napag-aanihan ng matatamis na bunga na umaako ng mataas na halaga sa pamilihan. Kaya ang pagpapatanim ng puno ni Kongresista Ivy Arago ay maituturing na pagtutuloy ng isang maganda at makabuluhang tradisyon. Ang tayo ay magtanim ng mga puno.

Comments
Post a Comment