Ni Ruben E. Taningco
Noong huling araw ng sesyon ng Senado noong nakaraang Miyerkoles, masayang iniulat ni Senador Juan Miguel ay humiling ng pagkakataong makapagsalita upang iulat na ang kanyang maybahay ay hagsilang na ng isang malusog na sanggol na babae, pagkatapos ay naglambing sa kanyang mga kasamahang senador, bilang Chairman of the Committee on Cooperative, na pagtibayin na ang binalangkas niyang susog sa Cooperative Code of the Philippines, upang di-umano ay ihandog niya sa pagdating ng kanyang panganay na anak.
Subali’t ng si Majority Floorleader Francis Pangilinan ay magpapahayag na ng mosyon upang pagbotohan na ang panukalang batas, ay tumayo si Senador Noynoy Aquino, upang imungkahing isagawa ang botohan matapos na maihanda ang final copy of the proposed law, dahil sa mahirap naman umanong pagtibayin ang isang panukalang batas na hindi pa nila nababasa ang aktwal na nilalaman nito, bagama’t wala siyang pagtutol na ito ay pagtibayin bilang pasalubong sa kaunaunahang anak ni Senador Zubiri, na katulad niya ay first termer bilang senador.
Matapos na mapagtimbangtimbang ang pahayag ni Kiko Pangilinan, sumang-ayon na rin sa Zubiri, ang mambabatas mula sa Bukidnon, na ang maybahay ay kamag-anakan ni Senador Aquilino Pimentel, na ipagpaliban ang botohan upang sana ay mapagtibay ng Senado ang kaunaunahang batas na kanyang inakda bilang senador. Gayon pa, ipinagpatuloy niya ang pagpapadala ng text messages sa mga kaibigan na nagsasaad ng sumusunod: : “My wonderful wife just gave birth to a beautiful girl, Adriana, [who weighs] 7 lbs and 8 ounces. I now have a family! Thank you for all your prayers.” .

Comments
Post a Comment