P O P T A L K . . . . .
Ni Ruben E. TaningcoSang-yon sa kasaysayan ng Bansang Tsina, sa Lalawigan ng Sichuan, naging maunlad ang kanilang industriya ng prutas o orchard industry dahil sa tulong ng laywan o honeybee, na kung panahon ng taglagas ay siyang aktwal na nagsasagawa ng pollination para ang mga halamang namumunga ay mapaunlad ang bulaklak hangang mabuo ang bunga. Kaya noon, sa nabanggit na lalawigan, ay pinangangalagaan ang mga kolonya ng iba’t ibang specie ng lawyan, sapagka’t ito ang sandigan ng kanilang kabuhayan.
Subali’t ng marapatin ng Chinese Government na paunlarin ang peras o pear, sa dahilang ang lasa nito ay kinagigiliwan ng kanilang mga mamamayan, at napatunayan malaki ang potensyal bilang isang pangluwas na produktong bungang-kahoy, upang mapangalagaan at ganap na mapaunlad ang isang bagong industriya industriya, gaya sa Europa kung saan katutubo ang peras, ay gumamit ang mga magtatanim ng peras ng chemical fertilizer and insecticide upang ang bulaklak at bunga ay huwag mapinsala ng kulisap, na dahil sa kanilang natamong magandang pakinabang sa mga unang taon na ang peras ay maging bahagi ng kanilang industriya sa larangan ng agrikultor, ay hindi nila kaagad napansin na papaunti-ng-papaunti ang laywan na nagsasagawa ng polinasyon, at bago sumapit ang Taong 2000, ay tao na ang inaatasang magsagawa ng polinasyon upang masaganang mapag-anihan ang pataniman ng peras.
Nagugunita namin na nang si Prof. Hipolito Aycardo ay maging panauhing tagapagsalita sa isang lingguhang pulong ng Rotary Club of San Pablo City na noon ay may clubhouse pa sa may Doña Evangelina M. Macapagal Boulevard sa Barangay San Lucas I, na suliranin ng mga pataniman ng kape sa maraming dako ng bansa, na papaunti-ng-papaunti ang mga honeybee colony, na nakakatulong sa polinasyon ng mga pataniman sa mga lalawigan.
Kaya noon ay kanyang nabanggit na magandang libangan ang bee culture, lalo na kung may pataniman ng lansones, rambutan, kape, at maging niyog, sapagka’t ito ang katalagahan ng laywan, ang magsagawa ng polinasyon. Hinihikayat din niya noon ang mga may kakayanan, na magkultura ng paro-paro sapagka’t ito ay katulong din ng mga magsasaka para maging sagana ang bunga ng mga itinatanim at inaalagaan nilang mga halaman.
Sana, ang suliraning ito ng pagkawala ng mga kolonya ng laywan sa kapaligiran ng ating bansa, ay mapagtuunan ng pansin ng mga academician o ng mga kaanib ng National Academy of Science and Technology (NAST) na sa kasalukuyan ay nasa ilalim ng pamamatnugot ni Dr. Emil Q. Javier na isang kilalang plant scientist na tubong Santa Cruz, Laguna.
Comments
Post a Comment