Ang Pambansang Tanggapan ng Estadistika o National Statistics Office (NSO) ay magsasagawa ng malawakang sarbey na may kinalaman sa kalusugan at pagpaplano ng pamilya. Ito ay ang National Demographic and Health Survey (NDHS) na sinimulan noong Agosto 7 hanggang Setyembre. Ang sakop ng sarbey o ang mga respondents nito ay mga babae na edad 15-49 taon. Layunin ng sarbey na mangalap ng impormasyon tungkol sa kung gaano karami ang nagiging anak ng isang babae ( fertility), pagpaplano ng pamilya, kalusugan at nutrisyon. Ang lahat ng datus na matitipon ay confidential o walang makakaalam at walang pangalan ng indibidwal ang mababanggit sa kanilang mga pag-uulat.
Ilan sa masusing itinatanong sa mga respondents ay kung gumagamit siya ng family planning (FP) method at ano ang ginagamit na FP method, gaano katagal na niya itong ginagamit at iba pa. Ang mga tanong tungkol sa kalusugan at nutrisyon ay ang mga sumusunod: kung nagpapakonsulta ba sila kapag maysakit/nasugatan, saang tao/pasilidad sila lumalapit/pumupunta para magpa-check-up, gaano katagal ang ginugol sa ospital upang gumaling, magkano ang nagastos, bakuna na natanggap ng isang sanggol, anu-ano ang kinain ng ina at anak noong sinundang araw at iba pa. May ilan ding tanong upang malaman ang kaalaman nila tungkol sa sakit na tuberculosis (o TB) at AIDS, at ilang tanong tungkol sa violence against women (VAW) tulad ng kung sila ay nakaranas ng saktan ng kanilang asawa o partner at ng ibang tao bukod sa nabanggit.
Ayon kay Regional Director Rosalinda P. Bautista ng NSO-Region IV-A, ang 2008 NDHS ay pang-siyam nang sarbey na isinasagawa ng ahensya kada limang taon. Ang unang NDHS ay isinagawa noong 1968. Kaugnay sa sarbey, hinihingi
Comments
Post a Comment