Ang paulit-ulit na karaingan ng mga nagkakasakit na kagawad ng mga mahihirap na pamilya sa lunsod, ay nagpatunay na makatarungan at kinakailangan ang ipinatatayo ng pangasiwaang lunsod na San Pablo City General Hospital sa Barangay San Jose, upang maging kabalikat ng mga umiiral ng mga pagamutan dito sa Lunsod ng San Pablo. At katotohanang dapat tanggapin na ang dating San Pablo City District Hospital, na ngayon ay pinakikilos ng Pangasiwaang Panglalawigan ng Laguna, ay walang sapat na mga makabagong kagamitan sa pagsusuri o mga sophisticated diagnostic equipments gaya ng CT Scan, o Ultra-Sound, at maging X-Ray Machine, kaya ang mga pangunahing makabagong kagamitan ang kaagad ay pagsisikapang mabili at ma-acquire para sa sariling pagamutan ng pangasiwaang lunsod.
Pangkaraniwang idinaraing ng maraming may kamag-anakang nagkakasakit na ang kanilang pasyente ay hindi matanggap sa
Pangunahin sa mga bumati noon sina Senador Manuel B. Villar, Loren B. Legarda, at Edgardo J. Angara, at Makati City Mayor Jejomar “Jojo” Cabauatan Binay.
Upang ganap na mapaunlad ang ipinatatayong San Pablo City General Hospital, ginagamit ni Alkalde Vicente B. Amante ang nadarama niyang pagtitiwala ng San Pableño Communities sa Estados Unidos at Canada o sa labas ng Lunsod ng San Pablo upang makahingi ng tulong para sa kagalingan ng mga mamamayan ng lunsod, gaya ng ginawang pagtugon ng Philippine American Medical Society of Western Pennsylvania na kasalukuyang pinangunguluhan ni Dr. Rogelio Irlandez Borja na nagpadala ng isang kompletong yunit ng anaesthesia machine na kinakailangan sa pagsasagawa ng mga major surgical operations.
Ngayong tapos na ang istraktura ng Proposed San Pablo City General Hospital, at ang kabuuan nito ay madalaw at mataya ng liderato ng San Pablo City Medical Society, ay mauunawaan ng mga may magagandang kalooban kung ano pang kagamitan sa pagsasagip ng buhay ang dapat ipagkaloob.
Nakatakdang pasinayaan sa darating na Martes, Oktubre 27, 2009, ang San Pablo City General Hospital ay hindi magiging ganap na pasanin ng pangasiwaang lokal, sa dahilang ito ay mapagkakalooban ng accreditation ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) kaya maging ang mga mahihirap na mamamayan na napagkalooban ng PhilHealth Medicare Card ay may katiyakang makakapagtamo ng paglilingkod na dapat tamasahin ng isang bumabayad na pasyente o nasa pay ward. (Ruben E. Taningco)
Comments
Post a Comment