Si Kapatid na Warren Flores, ministrong destinado sa Lokal ng San Pablo City, ay ipinararating ang pagpapahalaga at pagpapasalamat sa mga kinauukulang pinunong bayan na nakipagtulungan upang maging maayos ang isinagawang palaro ng mga kabataan ng Iglesia Ni Cristo na ginanap dito sa Lunsod ng San Pablo noong nakaraang Sabado, Mayo 21, 2011
Ang palaro ay sinimulan sa pamamagitan ng sama-samang pagtakbo sa Dagatan Boulevard sa paligid ng Sampaloc Lake na pinagabayan ni Chief of Police Ferdinand dG de Castro, na sinundan ng ilang outdoor athletic activities sa Colonel Lauro D. Dizon Memorial National High School Campus, na ipinagmagandang-loob ni Bb. Evelyn Malabag, punong guro, at indoor activities na isinagawa sa San Pablo Central School Stadium sa kapahintulutan ni G. Hemenes Bagsic, punong guro.
Sa dahilang ang CLDDMNHS Campus, at ang San Pablo Central School ay nasa hurisdiksyon ng Barangay VI-A (Mavenida), ipinararating din ni Kapatid na Warren Flores ang pagpapahalaga at pasasalamat kina Punong Barangay Ronald M. Castillo, mga Kagawad Roberto Panganiban at Danilo Belen, at dating Kagawad Merle Amante sa kanilang ipinagkaloob na magkakaugnay na tulong sa ikapagtatagumpay ng palaro na nilahukan ng mga kabataan mula sa mga Bayan ng Nagcarlan, Rizal, Alaminos, at lunsod na ito. (Ruben E. Taningco) .
Comments
Post a Comment