Pag-alinsunod sa Batas Republika Bilang 9492, na sumusog sa Section 26, Chapter 7, Book I of Executive Order No. 292, o Administrative Code of 1987, ang huling Araw ng Lunes ng Buwan ng Agosto ay itinatakdang Pambansang Araw ng mga Bayani o National Heroes Day,
Simula ng manungkulan si Alkalde Vicente B. Amante ay naging tradisyon na ang paggunita sa Pambansang Araw ng mga Bayani ay ganapin sa paanan ng bantayog ni Gat Andres Bonifacio sa dahilang ito ay nakatayo sa kapaligiran ng Doña Leonila (Mini-Forest) Park, at ang bantayog ay malapit lamang sa Bantayog Para Sa Alaala ng mga Martir ng Himagsikan na ipinatayo ng mga Diakonesa ng Iglesia Filipina Independiente noong ikalawang dekada ng pananakop ng mga Americano; at pananda para sa mga Defenders of Bataan and Corregidor at iba pang bayani ng Ikalawang Digmaan.
Ang bantayog ay halos katapatan ng isang concrete obelisk o pananda para sa alaala ni Major Leopoldo Alicbusan ng 27th Company ng Philippine Constabulary (PC) na nasawi sa pagtatanggol sa kalunsuran laban sa sumalakay na mga kaaway ng katahimikan noong madaling-araw ng Marso 29, 1950. Ang nabanggit na obelisk sa dati o orihinal na kinatatayuan ay nadalaw ni Pangulong Ramon F. Magsaysay noong Marso 29, 1954 nang ang Pangulong Idolo ng Masang Pilipino ay gumawa ng biglaang pagdalaw sa himpilan ng pulisiya ng Lunsod ng San Pablo, na walang kasama liban sa kanyang official driver at isang tradisyonal na military aide, na sa katotohanan ay tagabukas lamang ng pinto ng kotse, sapagka’t noon ay ika-4 na anibersaryo ng kamatayan ni Constabulary Major Leopoldo Alicbusan na napatay noong madaling-araw ng Marso 29, 1950 sa pagtatanggol sa kalunsuran sa pananalakay ng isang pangkat ng mga Huk. Subali’t sa tuwing magaganap ang palatuntunan sa paggunita ng Araw ng mga Bayani, ay walang isa man sa mga tagapagsalita ang nakakaalaala sa pagkapag-alay ng buhay ni Alicbusan.
Limampo’t pito (57) taon na ang nakalipas, at kapansinpansing maging ang obelisk sa alaala ni Alicbusan ay nanganganib ngayong mabuwal dahil sa isinasagawang konstruksyon ng Proposed City Engineer’s Office Building. Nagpapatunay na “Si Major Alicbusan ay limot na bayani.” (Ben Taningco)
Kumusta kayo, Ben,
ReplyDeleteMy niece discovered your blog this week and we are so happy to find it.
I am married to one of the daughters of Maj. Alicbusan. We are interested in knowing more about the status of his monument.
We have visited the monument but it has been many, many years since we have seen it.
Please keep us updated. And let us know if there is anything we can do.
You may contact me at WQGraham@ACM.org if you like.