Ang papatapos ng Proposed San Pablo City General Hospital na itinatayo sa isang loteng kabalantay ng kampus ng Dalubhasaan ng Lunsod ng San Pablo (DLSP) sa Barangay San Jose ay magagawang self-liquidating sang-ayon kay Alkalde Vicente B. Amante, sapagka’t ito naman ay mapagkakalooban ng accreditation ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), kaya ang mga mahihirap na mamamayan ng lunsod na naipatala sa PhilHealth sa ilalim ng sponsored program na umaabot na ngayon ay umaabot na sa 10,000 ay malalagay din sa payward sapagka’t sasagutan ng PhilHealth ang kabayaran sa mga pangunahing paglilingkod ng ospital
Nabanggit pa ni Mayor Amante na ang mga diagnostic equipments na ilalagay sa nabanggit na pagamutan ay yaong mga wala sa Pagamutang Panlalawigan ng Laguna o dating San Pablo City District Hospital upang ang dalawang institusyon sa paghahandog ng mga paglilingkod na pangkalusugan ay magkatulungan.
Sa tulong ng mga manggagamot na nasa Estados Unidos, na nagsisipagbalak ng bumalik sa Pilipinas, at maging ang maraming propesyonal na kilala sa Metro Manila, na nagbabalak ng sa probinsiya manggamot, ay umaasa si Mayor Amante na ang proposed hospital ay magkakaroon ng mga Specialty Clinic na pangangasiwaan ng mga specialist doctors and diplomates na magkakatulungan sa pagkakaloob ng tulong na pangkalusugan sa mga mahihirap na mamamayan sa ospital heneral ng lunsod para sa malawakang pagpapagaling sa mga dinapuan ng karamdamang diabetes, puso (o cardiology), psychiatry o suliranin sa isip, pulmonology, sakit ng mga sanggol at bata, physical theraphy, at orthopedic para sa mga nababalitaan ng buto.
(Ben Taningco)

Comments
Post a Comment