ALAMINOS, Laguna - Pormal na ipinahayag ni Chairman Vladivir A. Flores ng Comite de Festejos 2008 ang schedule of activities sa pagdiriwang ng Alaminos Town Fiesta, na gaya ng sumusunod: Oktubre 3, Biyernes, Gabi ng mga Paaralang Publiko; Oktubre 4, Sabado,Senior Citizens’ Night na itataguyod ng Tanggapan ng Punonglalawigan; Oktubre 5, Linggo, Saint Paul School and Marcelino Fule Memorial College Night; Oktubre 6, Lunes, Alaminos/Ibayiw National High School Night; Oktubre 7, Martes, Gabi ng Tunog Kalye na itataguyod ng MINOLA Oil;
Oktubre 8, Miyerkoles, Mayor’s and Vice Mayor’s Night; Oktubre 9, Huwebes, Bikini Summit 2008 na itataguyod ng San Miguel Corporation; Oktubre 10, Beyernes, Congresswoman Ma. Evita R. Arago’ Night; at Oktubre 11, Sabado, Grand Coronation Ms. Teen CORAMBLAN World 2008 na itataguyod ng STI-San Pablo City.
Napag-alamang hindi itinanghal sa taong ito ang CORAMBLAN Festival na nagtatampok sa Mardi Gras na ang tema ay salig sa niyog, rambutan, at lansones, dahil sa katotohanang nagkaroon ng suliranin ang ani sa tatlong halaman sa taong ito. Halos walang naaning bunga ng lansones, may suliranin ang pamumunga ng rambutan, at mababa na ang naibababang bunga ng niyog, na marami pang puno ang apektado ng impestasyon ng brontispa.
Ang iba pang kagawad ng Comite de Festejos 2008 ay sina Punong Barangay Emerson Maligalig ng Poblacion Dos, Punong Barangay Wilson Marabe ng Poblacion Tres, at Punong Barangay Noel Fandiño ng Poblacion Cuatro.
Comments
Post a Comment