Pag-alinunod sa Resolution No. 9004 na pinagtibay ng Commission on Elections noong Hulyo 12, 2010, ay itinatakda ang panahon ng pagpapatala ng mga kabataang may gulang na mula sa 15 hanggang 17 taong gulang, o yaong mga wala pang 18 taong gulang sa Oktubre 25, 2010, sa Agosto 6 – 15, 2010, upang sila ay maging kagawad ng “Katipunan ng Kabataan” at makaboto sa darating na Synchronized Barangay and Sangguniang Kabataan Elections sa Oktubre 25, 2010.
Ang pagpapatala ay sa City or Municipal Election Office kung saan ang aplikante ay naninirahan sa loob ng hindi bababa sa anim (6) na buwan, na inaatasang bukas mula sa ika-8:00 ng umaga hanggang ika-7:00 ng gabi.
Ang aplikante para maging kagawad ng Katipunan ng Kabataan sa kanilang pagpapatala ay makabubuting magdala ng mga sumusunod: certificate of live birth; o partida bautismo; o school records, o ano mang kasulatang makakapagpatunay o pagkakakilanlan sa kanya.
Nililinaw sa Resolution No. 9004 na hindi kinikilalang pagkakakilanlan ang Community Tax Receipt o Cedula, at ang sertipikasyon ng sangguniang barangay. (Ruben E. Taningco)
Comments
Post a Comment