ALAMINOS, Laguna – Namatay sanhi ng karamdaman sa puso noong Miyerkoles, Hulyo 14, 2010 si Vice Mayor Demetrio Paguio Hernandez Jr. sa gulang na 60 taon, at ang kanyang mga labi ay kasalukuyang pinaglalamayan sa kanilang tahanan sa Barangay III, at nakatakdang ihatid sa kaniyang huling hantungan sa kanilang sariling libingan sa may libingan bayan sa darating na Miyerkoles, Hulyo 21, 2010.
Anak ni Atty. Demetrio Hernancez Sr., na naging board member ng Laguna bago nagkadigma, si Demetrio Jr. ay isinilang noong Nobyembre 16, 1949. siya ay nanungkulang halal na punumbayan noong 1998 – 2001. Nahala na pangalawang punumbayan noong Mayo 10, 2010, nakaganap siyang tagapangulo ng kapulungan ng Sangguniang Bayan sa dalawa lamang pagkakataon, noong organization meeting noong Lunes, Hulyo 5, at sa unang regular session noong Lunes, Hulyo 12, 2010 kung saan ang naging paksa ng pagpupulong ay ang pagpapaunlad ng isang conventional sanitary landfill na isang matagal na nila ni Mayor Eladio M. Magampon na pangarap na maipatupad. (Ruben E. Taningco)
Comments
Post a Comment