San Pablo City - Malugod na tinanggap ni City Admin. Loreto Amante ang mga aklat na donasyon ng Allied Bank sa sampung elementary schools ng lunsod sa isinagawang programang “Handog na mga Aklat mula sa Allied Banking Corporation and Books Across the Sea” nuong Enero 26 ng hapon sa One Stop Center.
Ang donasyon na pinangunahan nina Mrs. Maricon M. Delas Alas, Allied Bank Manager; Ms. Lolita Manicad, Catholic Women’s League President at Atty. Rad Manicad ay malugod ring tinanggap ng mga guro at principal ng mga school recipients. Ang mga tatanggap ng mga reference books at reading materials ay ang San Antonio, San Isidro, San Vicente, Sto. Nino, San Marcos, Don Enrique Bautista, San Mateo, F.A. Quisumbing, Del Remedio at Prudencia D. Fule elementary schools.Ipinaliwanag ni Ms. Manicad na labing-anim (16) na paaralan ang posibleng mabigyan ng mga aklat ngunit sa kasalukuyan ay sampu (10) lamang muna dahil may proseso dinaraanan ang proyektong ito.
Dagdag pa niya na mula pa sa USA ang mga aklat na ipamimigay.Kaya lubos ang pasasalamat ni City Admin. Amante sa pamilya Manicad upang maragdagan ang mga aklat ng mga paaralan sa iba’t-ibang barangay ng lunsod at lalo pang maitaas ang antas ng edukasyon ng mga mag-aaral. Sinabi pa niya na ang programang pang-edukasyon ang isa sa mga prayoridad ng pamahalaang lunsod.Ayon naman kay Mr. Arnold Sinen, representative ni Dr. Enric Sanchez, City Schools Supt., ang proyektong ito ay malaking tulong rin sa Deped Project na “Adopt a School Program”. (CIO-SPC)
Comments
Post a Comment