PROPAGANDA
Sang-ayon kay Dr. Conrado P. Aquino, ang namayapang San Pableño na naging Pangulo ng University of the East na ang post graduate studies ay isinagawa sa isang kilalang pamantasang pinakikilos ng Jesuita sa Estados Unidos, ang propaganda ay isang pangangailangan para maging maunlad ang isang lipunan, sapagka’t ang propaganda ay diseminasyon o pagpapalaganap ng mga kaisipan at impormasyon sa layuning mahikayat o mapasigla ang pananaw at pagkilos ng naaayon sa ninanasa ng pinagmumulan ng propaganda.

Ang mga kaisipang ikinikintal sa mga kabataang mag-aaral ay isang uri ng propaganda upang sila ay maihanda na maging mga mabubuting mamamayan; at maging ang mga paninindigang inihahanda ng mga abogado ay kinikilalang propaganda sa dahilang ito ang nakahihikayat sa mga hukom na pagtuunan ng pansin ang panig na kanyang kinakatawan sa pagnanasang ang magiging hatol ay siya makatutugon sa panawagang ipinararating ng kaniyang kliyente.
Katunayan nito, maging ang mga sinulat ni Haring David ay masasabing isang magandang halimbawa ng propaganda na gagabay sa tao upang maging matuwid ang kaniyang buhay, at nagiging masama lalang ang isang propaganda batay sa layuning isinusulong ng naghanda nito.
Lamang, para sa marami, ang propaganda ay ang mga pamamahayag na naglalayong ang isang mali ay mapalitaw na tama, o pagnanais na ang isang kasinungalinangan ay maipaunawang katotohanan. Ito ay masamang bahagi ng propaganda, at hindi ang kabuuan.
Halimbawa, noong panahon ng kampanyahan, ay mga propaganda ang mga balita at artikulong inihanda nina Sandy Belarmino at Nani C. Cortez tungkol sa mga paggawain at palatuntunang ipinatutupad ni Alkalde Vicente B. Amante, tulad ng pagpapatayo ng San Pablo City General Hospital, at ang pagpapaunlad ng isang sanitary landfill at pagpapatayo ng isang material recovery facilities. Ito ay mga katotohanan, na ang pagpapatupad ay naaayon sa mga umiiral na alituntunin na isinasaad sa Ecology and Solid Waste Management Act o Batas Republika Bilang 9003, pero pilit na pinipilipit, at ang kontrata ay nakatutugon sa pamantayan ng Komisyon Sa Awdit. Dapat isiping ang pangunahing tunguhin ng propaganda ay hikayatin ang lahat na tanggapin ang isinusulong na adhikain ng bumabalangkas nito.

Comments
Post a Comment