Batay sa mga ulat na nakalap mula sa Office of the Election Officer ng Calauan, muling nahalal si Alkalde Buenafrido “George” T. Berris sa pamamagitan ng kalamangang 3,416 boto sa kanyang kalabang si Concejal Allan V. Sanchez ng Aksyong Demokratiko na nakatipon ng 7,354 boto.
Kapartido ni Gobernadora Teresita S. Lazaro, si Berris ay nagtamo ng 10,770 boto sa kanyang ikalawang reeleksyon, na higit na malaki kaysa 9,886 na natamo niya noong May 10, 2004 National and Local Elections.
Muli ring nahalal si Bise Alkalde June Josepht Faylona Brion ng Nationalist Peoples Coalition na nagtamo ng 7,209 boto.
Ang nahalal na mga kagawad ng Sangguniang Bayan dito ay sina: Dante C. Escares, LAKAS-CMD, 7,597; Rolie Martin C. Hilario, NPC, 7,817; Allan V. Sanchez II, NPC, 7,385; Gertrudo L. Roxas, LAKAS-CMD, 6,476; Joseph M. Larona, NPC, 6,095; Joselito M. Manalo, NPC, 6,032; Dimna P. Maligalig, LAKAS-CMD, 5,983; at Marlyn V. Maloles, NPC, 5,647. Sina Escares, Hilario, at Maligalig ay mga reeleksyonista. (RET)

Comments
Post a Comment