STA. CRUZ, Laguna - Sa pamamagitan ng Memorandum No. 35, Series of 2007, na nilagdaan noong Hunyo 6, 2007, ipinababatid ni Gobernadora Teresita S. Lazaro na sa bisa ng Presidential Proclamation No. 1292 ay ipinahahayag na ang Araw ng Martes, Hunyo 19, 2007, ay isang tanging araw na walang pasok o special (non-working) day sa buong Lalawigan ng Laguna at Lunsod ng Calamba upang ang lahat ay mabigyan ng sapat na pagkakataon na makapagsagawa ng kalakarang paggunita sa ika-146 kaarawan ng kapanganakan ni Dr. Jose P. Rizal, ang pambansang bayani.
Sa pahayag ng punonglalawigan, marapat lamang na alalahanin ang mga isinulong na kaisipan at paninindigan ni Dr. Jose Rizal na nagluklok sa kanya sa mataas na antas ng kabayanihan, bilang isang paraan ng pagpapamulat ng kahalagahan nito sa mga kabataan sa buong lalawigan, at sa buong bansa. (Ben Taningco)

Comments
Post a Comment