ALAMINOS, Laguna - Sa mga nagbabalak na magpatala ng business name, na kinakailangan para sa pagtubos ng business permit and license o lisensya sa pagbubukas ng negosyo, kung alanganing magsadya sa Department of Trade and Industry- Provincial Office na nasa kahabaan ng National Road sa Barangay Banca-banca sa Victoria, ay maaaring maglahad ng kanilang application form sa tanggapan ng San Pablo City Chamber of Commerce and Industry, Inc (SPCCCII). na nasa 2nd Floor ng Old City Hall Building sa San Pablo City, na may telepono bilang (049) 561-2880.
Ang SPC Chamber of Commerce and Industry ay deputized ng DTI para tumanggap ng mga kahilingan para sa pagpapatala ng business name, at marami sa mga potential investor sa lalawigan ang dito nagsasadya para sa pagpaparehistro ng kanilang proposed business names.
Ang dapat dalahin ay dalawang (2) kopya ng litratong may sukat na 2” x 2”, at maghanda na ng tatlong binabalak na maging katawagan sa itatayong negosyo o proposed business name, payo ni Local Treasury Operations Officer Juanita B. Rivera ng Tanggapan ng Tesorero rito. Ang kabuuang bayarin ay P450.00. (RET)
Comments
Post a Comment