Pag-alinsunod sa mga kapasiyahan ng Commission on Elections sa layuning maipatupad ang nakatadhana sa Batas Republika Bilang 9340 na nagtatakda na ang Synchronized Barangay and Sangguniang Kabataan Elections ay sa Oktubre 29, 2007, ang patalaan ng mga bagong botante ay ngayong Hulyo 15 – 22, 2007 sa Tanggapan ng Election Officer sa lunsod o sa munisipyong nakasasakop sa barangay na pinanahanan.
Para makaboto sa mga magiging tagapangulo at kagawad ng Sangguniang Kabataan, sinasabi sa COMELEC Resolution No. 8220 na pinagtibay noong Hulyo 9, 2007 na ang dapat magpatala upang makaboto bilang kasapi ng Katipunan ng Kabataan ay dapat na Mamamayang Pilipino, may gulang na mula sa 15 taon, subali’t wala pang 18 taon sa Oktubre 29, 2007, naninirahan sa barangay ng hindi kukulangin sa anim (6) na buwan sa araw ng halalan, at dapat na magdala ng alin man sa mga sumusunod: certificate of live birth; partida bautismo, record sa paaralan, at iba pang kasulatang maayos na mapagkakakilanlan.
Samantala, ang dapat magpatala bilang botanteng hahalal sa mga bubuo ng Sangguniang Barangay sang-ayon sa COMELEC Resoulution No. 8218 na pinagtibay noong Hulyo 6, 2007 ay Mamamayang Pilipino, ang may gulang o edad na hindi bababa sa 18 taon, tuloy-tuloy na naninirahan sa Pilipinas sa loob ng isang taon, at sa barangay na bobotohan ay anim (6) buwan sa Oktubre 29, 2007, at dapat na may dalang maayos na mga pagkakakilanlan, tulad ng identification card sa pinagtatrabahuhan, postal ID, student”s ID o Library Card, passport, senior citizen’s ID, at driver’s license.
Hindi kinikilala ang cedula at ang garantiya ng punong barangay. Gayon pa man, maaring maging saksi ang isang rehistradong botnate na kilala sa barangay.
Sila ay kinakailangang personal na magsasadya sa oras ng trabaho o office hours sa City/Municipal Election Office para makapagpatala. (RET)

Comments
Post a Comment