ALAMINOS, Laguna –Matatag ang paninindigan ni Konsehal Noel L. Monzones bilang Chairman ng Committee on Housing and Land Utilization, na ang baying ito ay sadyang angkop para pagtatagan ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) ng economic zone na aakit ng mga dayuhang mamumuhunan o foreign investors na magtayo ng pabrika, at iba pang sistema ng palingkuran na magpapasigla sa kabuhayan ng Lalawigan ng Laguna, at ng buong bansa.
Ipinapapansin ni Monzones na ang Munisipyo ng Alaminos ay nasa istratihikong lokasyon na ang uri ng lupain nito ay matatag para mapagtayuan ng pabrika, malapit sa Mak-Ban Geo-Thermal Plant para sa matatag na daloy ng kuryente, at sa sandaling ganap na matapos ang Alaminos-Lipa City (CALABARZON) Road, ay magiging malapit lamang ang Proposed Economic Zone sa Port of Batangas.
Dapat ding isaalang-alang na ang bayang ito o ang Alaminos ay tinatahak ng Maharlika Highway na isang koridor patungo sa Bicol at Visayas. Tatahakin din ang bayang ito ng Proposed Extension of South Luzon Expressway mula sa Calamba City patungong Lucena City, at ang mga Barangay ng San Andres, San Juan, San Agustin, at San Benito ay noon pang 1988 ipinahayag ng Housing and Land Use Regulatory Board na mga industrial zone.
Ang Philippine Economic Zone Authority (PEZA) ayon kay Konsehal Monzones ay isang ahensya ng pamahalaan na natatag sa bisa ng “The Special Economic Zone Act of 1995” o Republic Act No. 7916. Isa ito sa makabuluhang batas para maitaas ang antas ng kabuhayang pambansa na pinagtibay ni Pangulong Fidel V. Ramos. Na sinusugan ng Batas Republika Bilang 8748 noong panahon ni Pangulong Joseph Ejercito Estrada..
Pinangangasiwaan ng PEZA ang pagpapasigla sa pagtatayo ng mga pabrikang nakatutugon sa pamantayang pandaigdig, na may pagsasaalang-alang sa pangangalaga ng kalikasan, na mauukupahan kaagad ng mga maaanyayahang mamumuhunan. Ang ahensya na isang government-controlled corporation na nasa ilalim ng Department of Trade and Industry (DTI), at nakakapagkaloob ng tulong na pinansyal at di-pinansyal sa mga nagnanais na magpaunlad ng isang economic zone, at manufacturer na ang malilikha ay artikulo ng kalakalan na maipamamahagi sa labas ng bansa. (Ben Taningco)

Comments
Post a Comment