ALAMINOS, Laguna - Sa maiikling pakikipanayam kay Congresswoman Ma. Evita R. Arago matapos mapasinayaan niya ang access road na kanyang ipinakongkreto mula sa Maharlika Highway papasok sa kampus ng bagong bukas na Buenaventura E. Fandialan Memorial National High School sa Barangay San Agustin dito, sa pamamagitan ng halagang P500,000 mula sa tinanggap niyang Countrywide Development Fund, na ang konstruksyon ay sa pangangasiwa ng DPWH San Pablo City Sub-District Engineering Office.
Ayon kay Engr. Pol delos Santos ng DPWH-San Pablo, ang pagawain ay isa sa unang 40 barangay sa 217 barangay na bumubuo ng distrito na napagtibay at naipatupad sa tamang panahon o bago sumapit ang panahon ng tag-ulan.
Ayon kay Congresswoman Ivy Arago, sa mga ganitong proyekto at palatuntunan napapapunta ang Countrywide Development Fund na tinanggap ng kanyang tanggapan sa nakalipas na pitong (7) buwan. Hindi umano kasama sa pondong ipinamahagi ang pondong ginagamit ng kanyang tanggapan sa kanilang itinataguyod na collegiate scholarship program, at sa health program na kanyang itinataguyod sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Philippine General Hospital and Medical Center, at sa iba pang specialized hospital sa Metro Manila, at maging sa San Pablo City District Hospital na pinakikilos ng Pangasiwaang Panglalawigan.
Bilang dating Sangguniang Kabataan Chairman ng Barangay San Francisco sa Lunsod ng San Pablo, napag-alamang ang Tanggapan ni Congresswoman Ivy Arago ay nagtataguyod din ng leadership seminar para sa mga bagong halal na sangguniang kabataan officials upang sila ay ganap na maihanda sa mahalagang papel na kanilang gagampanan sa kanikanilang pamayanan.
Sa larangan ng agrikultura at produksyon ng pagkain, ang Tanggapan ng Kongresista sa tulong ng Department of Agrculture ay namamahagi rin ng mga pananim na punong kahoy sa pamamaigitan ng mga sangguniang barangay, tulad ng mangga, tsiko, hi-breed rambutan, at sitrus, at sa ilang pagkakataon, ay mga hand tractor upang mapasigla ang produksyon ng palay.
Iniulat ni Punong Barangay Rustico D. Danta, na ang Barangay San Agustin ay tumanggap na ng mga malulusog na punla mula sa Tanggapan ng Congresswoman, at naipatanim na niya sa kahabaan ng San Agustin Section ng CALABARZON Road. (Ben Taningco)

Comments
Post a Comment