
Nananawagan si Bb. Anna Pasco Pabula ng City Solid Waste Management Office sa lahat ng mga mamamayan ng lunsod na makiisa sa implementasyon ng palatuntunan sa pagbubukod-bukod ng mga basura, o pagkakaroon ng sadyang lalagyan ng basurang nabubulok, basurang hindi nabubulok, at basurang pakikinabangan pa, at simula sa Hunyo 16 ay may araw at oras para hakutin ang bawa’t uri ng basurang ito ng mga garbage truck ng pangasiwaang lunsod bilang pag-alinsunod sa iniuutos ng Batas Republika Bilang 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000. (Ruben E. Taningco)
Maganda sana kung ang waste segregation initiative na ito ay talagang suportado, 'di lang ng batas at ordinansa, kundi ng handa na waste segregation facility, collection facility at panahon ng pagkolekta ng nabubulok at 'di nabubulok na basura.
ReplyDelete