NEWS RELEASE
Provincial Information Office
Sta. Cruz, Laguna
June 16, 2009
Bilang paggunita sa ika-148 Taong Kaarawan ng Pambansang Bayani at Lagunenseng si Dr. Jose P. Rizal ng lungsod ng Calamba, idineklara ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang Hunyo 19, 2009 bilang Special Non-Working Holiday sa buong lalawigan ng Laguna.
Nilagdaan ng Pangulo ang Presidential Proclamation No. 1786 upang maipagdiwang ng mga Lagunense ang kaarawan ng kanilang dakilang kababayan na nagbuwis ng buhay para sa kalayaan. Layunin din ng proklamasyon na bigyang-pansin ang kaarawan ni Rizal bagama’t mas ipinagdiriwang ng buong sambayanan ang pag-kamartir nito tuwing ika-30 ng Disyembre.
Muling gaganapin ang taunang selebrasyon sa lungsod ng Calamba sa pamamagitan ng Float Parade at simpleng seremonya na magsisimula sa Calamba Crossing patungo sa tahanan nito sa Rizal Shrine na matatagpuan sa Calamba City Proper. Inaasahan naman ang muling pangunguna ng mga lokal na opisyal ng lalawigan tulad ng mga Calambeñong sina Gob. Teresita “Ningning” S. Lazaro at City Mayor Joaquin Chipeco, Jr. (Chris Sanji)
Comments
Post a Comment