Kuha ang larawan noong Biyernes ng hapon nang ipinaliliwanag Engr. Nielson B. Faylona at Gng. Juanita B. Rivera sa mga kasalukuyang stallholder kung papaano hahatiin sa iba’t ibang seksyon ang palengke.
ALAMINOS, Laguna – Iniulat ni Mayor Eladio M. Magampon na ang pagtatayo ng
Ang halaga ng kontrata ay P21-milyon at ang pagawain, na isang one-storey structure, ay inaasahang matatapos sa loob ng 150 araw, ay itatayo sa kinatatayuan ng kasalukuyang palengke, at sang-ayon kay Engr. Nielson B. Faylona, Municipal Planning and Development Coordinator, sng ptoposed public market ay may floor area na aabot sa 2,000 metro kuwadrado, na lalagyan ng sapat na two-meter pathway, at ang Carinderia Section ay ihihiwalay ng isang three-meter service road para sa kaluwagan ng mga delivery vehicle na maghahatid ng mga paninda rito. Magkakaroon ng sapat na parking area at bus stop sa harapan nito sa kahabaan ng Maharlika Highway, at sa kahabaan ng Pedro de Villa Street, at may probisyon din para pagtayuan ng himpilan ng pulisiya para mapangalagaan ang kapaligiran ng pamilihan laban sa mga mapagsamantala.
Sa working plan na ipinakita sa ilang kinatawan ng medya nina Engr. Faylona at Local Treasury Regulation Officer Juanita B. Rivera, napag-alaman na ang bagong palengke ay magkakaroon ng Dry Goods and Novelties Section, Vegetables Section; Meat and Poultry Section; Dried Fish and Fresh Fish Section, at Open Section o Bulante.
Tinitiyak nina Faylona at Rivera na ang prayoridad na pagkakalooban ng puwesto o stall sa bagong gusali ay ang mga stallhalder sa kasalukuyang lumang gusali. (Ruben E. Taningco)
Comments
Post a Comment