Si Warden J/S Insp. Arvin T. Abastillas ng San Pablo District Jail matapos tanggapin ang District Jail of the Year Award mula kay Executive Secretary Eduardo Ermita.
QUEZON CITY - Kinilala ng pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang mga natatanging performance ng iba’t-ibang unit sa ilalim ng kawanihan kaugnay sa pagdaraos ng kanilang ika-18 anibersaryo ng pagkakatatag na sinaksihan ni Executive Secretary Eduardo Ermita kamakailan bilang panauhing pandangal at pangunahing tagapagsalita.
Nakamit ng San Pablo District Jail sa ilalim ng pamumuno ni Jail/Senior Inspector Arvin T. Abastillas ang District Jail of the Year Award, at ng Dasmariñas Municipal Jail ang Municipal Jail of the Year Award, na kapwa nasa pangangasiwa ni Jail/Senior Superintendent Norvel Mingoa, BJMP Region 4A Director.
Samantala ay nagwagi rin sa iba pang kategorya ang mga sumusunod: BJMP Region VII – Region of the Year; Bohol Provincial Office, Provincial Office of the Year, Navotas City Jail BJMP NCR, City Jail of the Year at Cebu City Jail Female Dormitory BJMP RD-VII, Female Dormitory of the Year.
Sa individual award ay nagwagi rin si J/C Insp. Ma. Annie Espinosa bilang Municipal Jail Warden of the Year.
Ayon kay Jail Director Rosendo M. Dial ay nagwagi ang San Pablo District Jail dahil sa pagsisikap ni Abastillas na makaangkop sa makabagong pangangailangan ng piitan.
Mayroon aniya itong CCTV camera na nagmomonitor sa bawat galaw sa loob at bakuran ng bilangguan. Bukod dito ay mayroon din itong mga medical equiptment para sa kalusugan ng mga inmates at mga kagawad na sumusunod sa ipinatutupad na disiplina ng BJMP.
Si Sec. Ermita ang nag-gawad ng award sa mga nagwaging tanggapan ng BJMP sa buong bansa. (SLPC/Sandy Belarmino)
Comments
Post a Comment