Skip to main content

Posts

CITY HOSPITAL, MABUBUKSAN NA

SAN PABLO CITY – Sa flag ceremony noong Lunes ng umaga, ay pinasalamatan ni Alkalde Vicente B. Amante ang Sangguniang Panglunsod dahil sa ginawa nitong pagpapatibay sa Proposed Annual Budget for Calendar Year 2009 noong nakaraang Biyernes ng umaga, Hulyo 3, 2009, na magbibigay-daan upang makapagtalaga na ng mga kinakailangang tauhan upang mabuksan ang San Pablo City General Hospital na ipinatayo ng pangasiwaang lokal sa Barangay San Jose (Malamig). Sang-ayon sa alituntuning ipinatutupad ng Department of Health, kinakailangang magtalaga ng sapat na bilang ng manggagamot, narses, at iba pang kinakailangang tauhan na magdo-duty ng three sifting o tuloy-tuloy sa loob ng 24 oras. Para mabuksan, kinakailangang magtatalaga ng hindi kukulangin sa 24 registered nurse, anim (6) na resident physician, tatlong medical technologist, at iba pang mga para medical professionals, na ang pagtatalaga nito ay nakatakda sa pinagtibay na proposed budget paliwanag ni Alkalde Amante....

PONDO NG DISTRITO, IBINABALIK SA TAO

SAN PABLO CITY – “Pondo ng Distrito, Ibinabalik sa Tao,” ito ang naging paksang diwa ng ginanap na People’s Day ni Congresswoman Ma. Evita R. Arago noong Linggo ng umaga, Hulyo 5, 2009, sa Villa Evanzueda sa Sityo Baloc na dinaluhan ng mga pinunong barangay mula sa anim (6) munisipyo at lunsod na ito na bumubuo ng 3 rd Congressional District. Ito ay sa dahilang pormal na ipinamahagi ang mga tseke para sa iba’t ibang paggawain na naihingi ng kinatawan ng tulong mula sa Department of Agriculture, at mula sa tinanggap niyang Priority Development Assistance Fund n(PDAF). Ang pinagkalooban ng tulong na may kabuuang P15,000,000 ay ang Talaga Irrigation System sa Rizal na tumanggap ng P3,000,000; ang Calumpang Irrigation System sa Nagcarlan na pinagkalooban ng P3,000,000; Taytay Irrigation System sa Nagcarlan din na ang tinanggap ay P2,000,000; ang Prinza Irrigation System sa Calauan na P3,000,000 ang ipinagkaloob; ang Mabacan Irrigation System sa Calauan din na inabutan...

Provincial board member dies in Laguna shooting

A provincial board member and two more persons in his group were killed by suspected hired guns in San Pablo City, Laguna, Wednesday night. The San Pablo City Police Office said Board Member Danny Yang, former village chieftain Manolo Barcenas and a certain Brando de los Santos died at the Pagamutang Panlalawigan ng Laguna. Jovy Lopez, a member of Yang's group and a certain Marc Edward Herrera were wounded in the shooting. Police said the group was attending a fiesta celebration in Barangay Bautista when ambushed by five gunmen around 9:30 p.m. Investigators said Yang's driver, Rommel Viterbo, was able to fire back and killed one of the assailants. Four of the gunmen escaped on foot after the shooting, police added. Superintendent Raul Bargamento, San Pablo City police chief, said a task force has been formed to investigate the provincial board member's killing. Bargamento said manhunt operations have been launched for the arrest of the four gunmen. Source : http:...

TAMANG PAG-IWAS SA INFLUENZA A VIRUS

Sa flag ceremonies noong nakaraang Lunes ng umaga, ay hinihiling ni Dra. Mercydina A. Mendoza-Caponpon ng City Health Office sa mga pinuno at kawani ng pangasiwaang lunsod, gayon din sa mga pinunong barangay at lider ng iba’t ibang samahang sibiko at organisasyon sa paglilingkod na naanyayahang dumalo sa pang-umagang pagtitipon, na makipagtulungan upang maipabatid sa kanilang mga kakilala ang mga payak subali’t mabisang pamamaraan upang maiwasang sila ay mahawa o maapektuhan ng Influenza A virus, na lalong kilala sa ngayon na H1N1 virus. Ipinabatid rin ni Dra. Caponpon ang mga hakbanging dapat isagawa sakali’t sila ay may mga kasambahay na kinapapansinan ng pagkakaroon ng mga ipinalalagay na sintomas ng H1N1, at ang dagliang pagpapaabot ng impormasyon sa kay Dr. Job D. Brion, ang City Health Officer ng lunsod, upang ang suspect na apektado ng virus ay madalaw kaagad ng mobile surveillance team upang masuri ang kanilang tunay na kalalagayang pangkalusugan. Kung ito ...

9 REBELS RECEIVE ASSISTANCE FROM SOCIAL INTEGRATION PROGRAM

LUCENA CITY – Nine (9) former rebels were given cash assistance and renumeration of surrendered firearms last Wednesday, June 10, 2009 at headquarters of the Southern Luzon Command of the Armed Forces of the Philippines. The former rebels belong to the NPA’s Gitnang Hilagang Quezon (GHQ) Front. They are now tagged KR (Kasama sa Reporma) and are incorporated to the Social Integration Program of the Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP). The cash assistance are coursed through with counterparts from the Quezon Provincial Peace and Order Council. Each of the nine (9) former rebels received P20,000.00 immediate cash assistance. while three (3) of them received cash renumeration from their surrendered firearms. The three (3) rebels who surrendered firearms received a total amount of P128,582.00 pesos. Among the three (3) , one (1) was able to surrender eight (8) improvised anti-personnel mines and five (5) improvised anti-tank mines with a to...

PRINSIPYO O SERBISYO, MAY PINILI ANG MGA PINUNONG BARANGAY

SAN PABLO CITY – Sa consultation meeting na ipinag-anyaya ni Congresswoman Ma. Evita “Ivy” R. Arago sa Villa Evanzueda sa Sityo Baloc noong Linggo ng umaga, Hunyo 7, upang arukin kung ano ang paninindigan ng mga pinunong nayon sa isyu ng Charter Change, halos ang lahat ay nagkakaisang ang kongresista ay dapat na pahinuhod sa kahilingang siya ay pumabor sa pagsasagawa ng Constituent Assembly (ConAss) upang huwag maputol ang tulong sa distrito mula sa pamahalaang nasyonal. Sa panibukas na pahayag ni Congresswoman Ivy Arago, kanyang binanggit na hindi siya nakadalo sa sesyon noong Martes nang pagtibayin ang House Resolution No. 1109 na nagtatakda ng pagkakaroon ng Constitutent Assembly, sa dahilang siya ay nasa opisyal na paglalakbay sa Visayas bilang vice chairman ng Committee on Ecology, na kasama ng dalawa pang miyembro ay nagsagawa ng mga public hearing sa Lalawigan ng Aklan Ipinagpauna ng mambabatas na sa mga talakayang kanyang nilahukan sa Kongreso na ma...

MAKIISA SA SEGREGASYON NG BASURA

Nananawagan si Bb. Anna Pasco Pabula ng City Solid Waste Management Office sa lahat ng mga mamamayan ng lunsod na makiisa sa implementasyon ng palatuntunan sa pagbubukod-bukod ng mga basura, o pagkakaroon ng sadyang lalagyan ng basurang nabubulok, basurang hindi nabubulok, at basurang pakikinabangan pa, at simula sa Hunyo 16 ay may araw at oras para hakutin ang bawa’t uri ng basurang ito ng mga garbage truck ng pangasiwaang lunsod bilang pag-alinsunod sa iniuutos ng Batas Republika Bilang 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000. ( Ruben E. Taningco )