RIZAL, Laguna – Ang pagtataguyod ng 202nd Infantry Brigade ng Philippine Army na may punong himpilan sa bayang ito, ng medical and dental mssion sa mga bayan o munisipyong sakop ng kanilang pananagutan, ay may panuntunang sinusunod, sapagka’t ito ay isang gawaing naglalayong mailapit ang pamahalaan sa mga karaniwang mamamayan, kaya ito ay kanilang itinataguyod ng may pakikipag-ugnayan sa mga pinunong lokal, na siyang higit na nakababatid kung ano ang mga tunay na pangangailangan ng kanilang mga mamamayan o nasasakupan. Ito ang ipinauunawa ni Koronel Aurelio Baladad, deputy commanding officer,
Idinagdag ni Koronel Rely Baladad na ang medical mission ay sa tulong ng binubuo nilang medical composite team na binubuo ng mga doktor at dentista mga narses, parmasyutica, at sanitarian ng rural health unit ng mga local government unit at mga medical society na kinikilala ng Philippine Medical Society para sa ugnay-ugnay na pagkakaloob ng tulong sa mga sadyang mahihirap na mamamayan Nagpadala rin ng tulong na mga gamot si Gobernadora Teresita S. Lazaro, kaya naging usapan na ito ang tunay at makabuluhang misyong pangkalusugan, sa dahilang ang ipinagkaloob ay hindi resita, kundi ang bawa’t resitang sinulat ng manggagamot ay napagkalooban ng sapat na gamot. (BENETA News)

Comments
Post a Comment