CALAUAN, Laguna – Isang concejal sa bayang ito ang nagsabing nagtataka ang maraming subscriber ng Laguna Water District dito sa paglalapat nito ng karagdagang bayarin sa kanilang nakunsumo at nabayaran ng serbisyo sa patubig noong Taong 2006 na P0.62 bawa’t metro kubiko. Ang nabanggit na bayaring tinatawag na Power Cost Adjustment (PCA) ay babayaran mula Hunyo 2007 hanggang Mayo 2008 o ang bill para sa Enero 2006 ay babayaran sa Hunyo 2007, at ang para sa Disyembre 2006 ay sa Mayo 2008.
Ang bayang ito ay sakop ng service area ng Laguna Water District na binubuo ng mga Bayan ng Los Baños, Bay, at bayang ito, na ang punong tanggapan ay nasa Los Baños, at napag-alamang ang bumubuo ng Board of Directors ng distrito ay pawang taga-Los Baños, liban sa isa na residente at kumakatawan sa mga subscriber sa Bay. Ito di-umano ay hindi katulad ng Quezon Water District na binubuo ng Lunsod ng Lucena at mga Bayan ng Pagbilao at Tayabas (o LUPATA), kung saan ang tatlong pamayanan ay pawang nakakatawanan sa Board of Directors, at umiikot maging ang chairmanship ng lupon.
Ayon sa nabanggit na concejal, parang hindi pinapansin ng mga karaniwang subscriber ang na kumukunsumo ng 15 metro kubiko bawa’t buwan na sila ay lapatan ng karagdagang bayaring P9,75 kada buwan, subali’t ito ay dinaramdaman ng mga malalaking consumer, lalo na ang mga institutional subscriber na ang binabayaran ay commercial rate.
Sang-ayon sa babala o paalaalang ipinakakalat ng pangasiwaan ng Laguna Water District, ang pagsingil ng Power Cost Adjustment na P0.62 per cubic meter ay pinagtibay ng LWD Board Resolution No. 43-2007, pagkatapos di-umanong magsagawa ang Local Water Utilities Administration (LWUA) ng isang public hearing, subali”t wala naman daw nababalitaan ang mga subscriber na nagkaroon ng patawag para dumalo sa public hearing kung saan ang tatalakayin ay ang paglalapat ng Power Cost Adjustment para sa konsumo sa Taong 2006.
Isa namang pinunong pangtanggapan sa Municipal Hall dito ang nagsabing batay sa records ng Office of the Municipal Mayor, ay wala silang official notice na tinatanggap sa paglalapat ng karagdagang singilin, at nalaman lamang nila ito bilang mga subscriber ng water district na pinadalahan ng babala kalakip ng kanilang monthly bill. (BENETA News)

Comments
Post a Comment