Nakalathala sa website ng Commission on Elections na www.comelec.gov.ph na ang Synchronized Barangay and Sangguniang Kabataan Elections na itinakda ng Batas Republika Bilang 9340 ay sa Lunes, Oktubre 29, 2007, na liban na lamang kung ito ay masususugan kaagad ng Kongreso ay obligasyon ng komisyon na ituloy ang halalan.
Dahil dito, maraming estudyante sa mga kolehiyo sa lunsod na ito na transient resident dito, na ang gulang ay nasa pag-itan ng 15 at 18 taong gulang ang nagtatanon kung kailan ang registration of voters para sila ay makauwi sa bayan kung saan sila ay legal residents para makapagpatala, at makalahok sa halalan.
Subali’t nabanggit ni Election Officer Benerando S. Arbilo ng Calauan Election Office na sila ay wala pang tinatanggap ng instruksyon ukol dito, at sa ilang namang pagsubok ng tagapag-ulat na ito na magtanong sa COMELEC Main Office o sa Tanggapan ni Chairman Benjamin Abalos sa pamamagitan ng email, ay hindi naman magtamo ng kasagutan.
Samantala, nabanggit ni outgoing Board Member Najie Gapangada na sa mungkahi ni Laguna ABC President Numeriano Buenviaje, na sinuportahan ng mga co-author na sina Board Member Rolando Bagnes, Susano Tapia, Ramon Carillo, Benjamin Mario Palacol, at Eufemio DC Lagumbay, ay napagtibay ang isang provincial ordinance na nag-aatas na ang mga punong barangay at kagawad ng sangguniang barangay sa lahat ng lunsod at munisipyo sa Lalawigan ng Laguna, na tuloy-tuloy na nahalal at naglingkod sa tatlong sunod-sunod na termino o ang mga “gagradweyt na third termer” ay pagkalooban ng achievement award na P80,000 sa punong barangay, at P50,000 sa kagawad, na ang kakailanganing pondo ay kinakailangang ilakip sa taunang badyet ng kanilang sangguniang barangay. (Ben Taningco)

Comments
Post a Comment