LIPA CITY - Pinaaalalahanan ang lahat na ang National Statistics Office ay magsasagawa ng population census sa darating na buwan ng Agosto sa buong bansa na ang magiging batayan ng kukuning datus ay ang kalalagayan ng sambahayan sa araw ng Miyerkoles, Agosto 1, 2007, sang-ayon sa pahayag ni NSO-Region IV-A Director Rosalinda P. Bautista nang makapanayam ng ilang kinatawan ng local mass media sa kanyang tanggapan dito.
Ang magiging katanungan ng mga enumerator o census taker ay ang bilang at pangalan ng mga naninirahan sa bansa, at maging ng mga dayuhang inaasahang titigil sa bansa sa loob ng isang taon o mahigit pa, at ang mga pangunahing impormasyong kukunin ay ang gulang, kasarian, kalalagayan sa buhay, edukasyon o pinag-aralan, at iba pang kalalagayan kinakailangan sa pag-aaral sa suliranin ng populasyon.
Ipinapapansin ni Director Rosalinda P. Bautista na ang Census Day for Population Census 2007 ay Agosto 1, 2007, kaya kung ang isang ama ng tahanan ay matatanong o makukunan ng tala sa Araw ng Sabado, Agosto 11, ang bilang at pangalang ipagkakaloob sa enumerator ay ang nasa tahanan noong Agosto 1.
Halimbawa, sa sambahayan ay may kagawad na mamamatay sa Agosto 10, kung ang enumeration ay gagawain sa Agosto 11, ang nasawi ay kasama pa rin sa bilang, sapagka’t buhay pa siya noong Agosto 1, paglilinaw ni Bb. Bautista.
Tinitiyak ni Director Bautista na ang anumang impormasyon o datus na ipagkakaloob sa census enumerator ay walang makakaalam liban sa mga pinunong nagpoproseso nito o strictly confidential sapagka’t ito ang iniuutos ng Seksyon 4 ng Batas Komonwelt Bilang 591, at katunayan nito, ay walang pangalan ng sino mang indibidwal na kinunan ng datus o impormasyon ang nababanggit sa ano mang ulat ng National Statistics Office.
Ang population census na naisagawa na sa bansa sa kasalukuyang panahon ay noong Taong 1975, 1980, 1990, 1995 at ang pinakahuli ay noong 2000, at lubhang kinakailangan ang maayos na population count sapagka’t ito ang batayan sa paglalaan ng pondo mula sa tinatawag na Internal Revenue Allotment, sa paglikha ng mga bagong barangay o munisipyo o congressional district bilang pag-alinsunod sa iniuutos ng Local Government Code of 1991 sa ilalim ng Batas Republika Bilang 7160. (BENETA NEWS Service)

Comments
Post a Comment