Si Atty. Salumbides ang naging pangunahing tagapagsalita sa palatuntunan ng paglulunsad ng ng 13th National Crime Prevention Week na itinaguyod ni Alkalde Vicente B. Amante at ng Sangguniang Panglunsod noong Sabado ng umaga Setyembre 1, 2007 sa San Pablo Central School Stadium.
Ang National Police Commission o NAPOLCOM ay isang ahensyang iniaatas ng 1987 Constitution, na ipinatutupad sa bias ng mga Batas Republika Bilang 6975 at 8551 na lalong kilala bilang “PNP Reform and Reorganization Act of 1998” at ito ang may pananagutang magsiyasat sa mga anomalyang kinasasangkutan ng mga pulis, nangangasiwa sa entrance examination sa mga nagnanais sumapi sa cuerpo ng pulisiya; at magpataw ng kaparusahan sa mga nagkamaling kagawad ng pulisiya. Ang tagapangulo ng NAPOLCOM ay ang Interior and Local Government Secretary.
Sa panig ni Director Roberto C. Abejero ng Department of the Interior and Local Government-Region IV-A kanyang binanggit na napapanahon ng sa lebel ng barangay ay dapat na palakasin ang Barangay Disaster Coordinating Council, upang sakupin na rin nito ang gampanin ng ibang’ sanggunian tulad ng Barangay Council on the Protection of Children, Barangay Committee on Humang Rights, at mga katulad nito, sapagka’t sa katotohanan, ang mga komiteng ito ay iisa ang miyembro, na bilang mga organisasyon ay pawang ang punong barangay ang tagaangulo.
Comments
Post a Comment