Nabanggit ni Concejal Pamboy na komplekado ang operasyon ng pamilihang lunsod, sapagka’t ito ay hindi pangsariling pananagutan ng pangasiwaang lunsod. May mga bagay sa pamilihang ang isinasaalang-alang ay ang mga palatuntunan at alituntuning ipinatutupad ng Department of Trade and Industry, may mga alituntunin o batas, tulad ng Code on Sanitation of the Philippines na pananagutan ng Department of Health, at sa dahilang ang pamilihang lunsod ay nalilibot ng mga seksyon ng national road, tulad ng A. M. Regidor Street, A. . Flores Street, at ng P. Paterno Street, kaya ang suliranin ng sidewalk vendor ay nasa ilalim ng hurisdiksyon ng Departmet of Public Works and Highways.
May mga alituntuning inaakalang malupit ang epekto sa mga nagsisipagtinda, subali’t ang mga pambansang alituntunin ay dapat na ipinatutupad, sapagka’t kung hindi ito maipatutupad, ay sila naman ang pag-uusigin sa pagsusulong ng kinauukulang ahensya ng pamahalaan, kaya dapat ding unawaing ang mga pinunong lokal ay mayroon ding pananagutan dapat isaalang-alang nupang huwag silang maipagsumbong ng pagpapabaya katungkulan. (Ben Taningco)
Comments
Post a Comment