Ayon kay Associate Graft Investigation Officer Elmo A. Unay, isa sa pangunahin nilang naipaglilingkod sa mga kawani at manggagawa ng alin mang ahensya ng pamahalaan, pambansa, pangrehiyon, at panglokal, ay ang pagkakaloob ng clearance sa mga nagbabalak na magretiro o magbitiw na sa kanilang tungkulin. Ang kinakailangan lamang ay magdala ng kanilang latest service record, at indorsement ng may pananagutang pinuno ng tanggapan o ahensya, at ang kaukulang clearance o kasulatang ay madali nilang maipagkakaloob, na ang applicant ay hindi na kinakailangang magsadya pa sa Office of the Ombudsman na nasa National Government Center sa Quezon City.
Ang pangunahing gampanin ng Ombudsman Regional Office sang-ayon sa paalaala ni Ombudsman Victor C. Fernandez ay ang tumnggap ng reklamo o pagsusumbong laban sa sino mang pinunong bayan at tauhan ng pamahalaan, na kasama sa maaaring ipagsumbong ay ang mga halal na pinunong barangay, sapagka’t sila ay pangunahin sa mga kinikilalang public official.
Ang Office of the Ombudsman ay walang sinisingil na filing fee sa mga sumbong o reklamong inihaharap sa kanila. (Ben Taningco)
(Request to all publishers: Sana ay malathala ito sa lahat ng edition, bilang public service, at kabatiran ng lahat, lalo na ng mga nasa kanayunan. RET)
Comments
Post a Comment