SAN PABLO CITY – Sa pagsapit ng ika-50 taon ng pagkakatatag ng Social Security System (SSS) noong nakaraang Sabado, Setyembre 1, 2007, sa pakikipanayam sa mga kagawad ng local mass media ay nabanggit ni Assistant Vice President Aida V. de los Santos ng South Luzon Cluster, na sa nakalipas na limampong taon, o simula noong Setyembre 1, 1957, ang SSS ay matapat na kaagapay sa mga pangangailangan ng manggagawa; kaibigan sa pagbibigay ng makabuluhang proteksyon sa mga kasapi ng sistema at kanilang pamilya; at kabalikat sa pagpapaunlad ng kabuhayan o ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng pagpapatupad ng isang maunlad at angkop na social insurance program o palatuntunang magkakaloob ng kapanatagang panglipunan.
Tuwirang tinukoy ni de los Santos na ang SSS sa nakaraang limang (5) dekada ay nakapagkaloob ng ginintuang paglilingkod bilang tunay na kasama na bumabalikat sa mga suliranin ng mga manggagawa.
Comments
Post a Comment