SAN PABLO CITY - Kamakailan, ang Bureau of Jail Management and Penology ay inilunsad ang isang proyektong naglalayong mapalakas at mapasigla ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga mamamayan, ang proyektong “I-dial kay Dial” na inaasahang magpapataas ng antas ng paglilingkod ng kawanihan sa buong bansa sang-ayon kay Chief Inspector Wilmor T. Plopinio, hepe ng San Pablo City District Jail.
Niliwanag ni Major Plopinio na ang “I-dial kay Dial” ay paunang palatuntunan ng matalaga si Chief Superintendent Rosendo M. Dial bilang officer-in-charge ng Bureau of Jail Management and Penology, kung saan siya ay nagtalaga ng dalawang cellphone number upang tumanggap ng mga reklamo o pag-uulat ukol sa pag-abuso at pagmamalabis ng mga tauhan ng kawanihan. Sa dalawang numero ay tatanggapin din ng heneral ang mga suhestyon upang maitaas o mapaunlad pa ang paglilingkod ng kawanihan sa pangangasiwa ng mga piitan.
Ang dalawang numero ayon pa rink ay Plopinio ay 0917-464-1538 para sa Globe, at 0928-330-9799 para sa Smart. Tiniyak ni Heneral Rosendo M. Dial na ang lahat ng mga ulat at impormasyong ipagkakatiwala sa dalawang numero ay tatratuhing lihim at walang ibang makakaalam ng pinagmulan o strictly confidential.
Dahil dito ay binababalaan ni Chief Superintendent Rosendo Dial ang lahat ng mga pinuno at kagawad ng kawanihan na umiiwas makapagpabaya o makaabuso sa kanilang pagtupad ng tungkulin upang sila ay huwag maging paksa ng paguulat para ireklamo na maaaring maging daan upang sila ay matanggal sa tungkulin. Dahil ditto, hinihikayat ng heneral ang publiko, lalo na ang mga nagkakaroon ng karanasan sa pagdalaw sa mga piitan na pinangangasiwaan ng BJMP na huwag mag-atubiling itawag sa 0917-464-1538, o sa 0928-330-9799 ang ano mang reklamo laban sa mga abusadong jail personnel. (Ben Taningco)
Comments
Post a Comment