ALAMINOS, Laguna - Pinasigla ng pagdalo at tulong ni Congresswoman Ma. Evita R. Arago sa pagbubukas ng ABC Intercolor Sportsfest dito noong nakaraang Sabado ng umaga, Abril 19. Ang lady legislator ay sumama sa motorcade na lumibot sa lahat ng barangay sa bayang ito, Pinagkalooban din niya ng 30 panlarong T-Shirt ang bawa’t participating team na ang kulay ay ang opisyal na kulay na pinili ng sports committee para sa bawa’t koponan na 15 lahat sang-ayon sa pahatid ulat ni ABC President Oscar Masa.
Nauna na rito, iniulat ni Konsehal Masa na ang bawa’t barangay team ay napagkalooban na rin ng 30 panlarong T-Shirt na batay din sa kanilang official color ni Mayor Eladio M. Magampon na siya na nilang isinuot sa pagsama sa motorcade at sa opening games ng paligsahan.
Samantala, napag-alaman mula kay Punong Barangay Rustico D. Danta ng Barangay San Agustin, na ang lahat ng mga barangay tanod sa bayang ito ay pagkakalooban ng tanod vest ni Congresswoman Ivy Arago, bilang tugon sa ipinaabot na kahilingan ng liderato ng Liga ng mga Barangay sa Alaminos na pinangunguluhan ni Punong Barangay Oscar Masa ng Barangay San Andres, sa kaisipang ang maayos at opisyal na kasuutan ay nakatutulong upang ang mga tanod ay maging kagalang-galang sa paningin ng mga mamamayang kanilang isinasaayos o pinangangalagaan.
Napag-alamang sa bayang ito na binubuo ng 15 barangay ay mayroong 288 barangay tanod na ang appointment ay naaayon sa alituntuning ipinasusunod at ipinatutupad ng Department of the Interior and Local Government, at bawa’t isa sa kanila ay tatanggap ng vest na kulay ponkan, pag-uulat pa ni Kapitan Tico. (Ben Taningco)
Comments
Post a Comment