Alang-alang sa pagsapit ng ika-35 anibersaryo ng pagkakatatag ng San Pablo City Water District, sa bisa ng isang kapasiyahang pinagtibay ng Board of Directors nito, ang lahat ng klase ng koneksyon papasok sa mga tahanan , simula pa noong Marso 31 hanggang sa Hulyo 31 ay sisingilan lamang ng P1,196.00, mula sa may uring sub-connection na kalakarang binabayaran ng P2,128.80, hanggang sa may-uring long lateral o iyong ang linya ay itatawid ng malalawak na lansangan at mga kongkretong bangketa na binabayaran ng halagang hindi bababa sa P9,863.00.
Ayon kay General Manager Roger Borja, mula Agosto 1 hanggang Disyembre 31, 2008, ang bayarin ay itataas sa halagang P1,250.00.
Nilinaw ni Engr. Borja na ang kaluwagang ito ay para sa lahat ng mga bagong aplikante, at ang kanyang hamon ay “Magpakabit ng Bagong Serbisyo ng Patubig sa Ibinagsak na Halaga! Libreng materyales, Libreng Labor.”
Para sa karagdagang impormasyon ukol sa Kabit-Promo ng San Pablo City Water District, ay maaaring makipag-ugnayan sa Commercial Division ng distrito sa kanilang punong tanggapan sa Maharlika Highway, o tumawag sa mga telepono bilang 562-7568 hanggang 562-7570. (RET)
Comments
Post a Comment