Ang mga mag-aaral sa Sityo Baloc Annex ay pawamg mga anak ng mga scavenger o ng mga namumulot ng basura sa garbage dumpsite ng pangasiwaang lunsod, kaya ang paaralan ay nakatayo sa hindi kalayuan sa makabagong sanitary landfill kung saan mayroon ding material recovery facilities. May mga bata rin ditong anak ng mga magtatanim ng gulay na naging masigla sa kapaligiran ng dumpsite simula ng maging operational ang sanitary landfill at nawala na ang masamang amoy at mga kolonya ng langaw sa tapunan ng basura mula sa kalunsuran.
Ayon kay Club President Romy Awayan, nakatutuwa na ang Host Lions Club ay tinatulungan
ng mga boluntaryong karpintero na mga kawal ng 202nd Infrantry Brigade sa pakikipag-ugnayan kay Brig. Gen. Jorge V. Segovia,. commanding officer ng brigada ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas. Tumutulong din ang Parents Teachers and Community Association (PTCA) ng Sityo Baloc Annex at maging ang Sangguniang Barangay ng Santo Niño na may hurisdiksyon sa dumpsite area. Technical consultant sa proyekto sina Engr. Bernardo C. Adriano Jr. at Danilo D. Dichoso na kapuwa past president ng kanilang klab.
Comments
Post a Comment