Ang mga awardees kasama ang pamunuan ng JCI San Pablo (mula sa kaliwa) Project Consultant JCI Member Richard C. Pavico, Chapter President Normandy I. Flores, Administrative Officer Narciso R. Capuno, Public Health Nurse Ma. Cecilia Tec-Encarnacion, Dr. Flerida P. Aquino-Layba, Supervising Administrative Officer Emilio I. Tirones, at Project Chairman Michael Perez. (Nathan Aningalan)
Apat (4) na rank-and-file personnel ng Pangasiwaang Lunsod ng San Pablo ang kinilalang The Outstanding Government Employees (TOGE) para sa Taong 2008 sa search na taunang itinataguyod Junior Chamber International Philippines-San Pablo Seven Lakes na iniuugany sa paggunita ng ika-68 anibersaryo ng pagkakatatag ng Lunsod ng San Pablo noong Mayo 7, 2008. Sila ay pinagkalooban ng gawad ng pagkilala, medalyon ng karangalan, at gantimpalang cash sa isang palatuntunang ginanap sa One Stop Processing Center noong Lunes ng umaga, Mayo 12, 2008. na pinangasiwaan nina City Administrator Loreto S. Amante at Chapter President Normandy I. Flores.
Ayon kay Chapter President Normandy I. Flores, ang tinanghal na mga namumukod tanging kawani ng pangasiwaang lunsod ay sina Administrative Officer Narciso Reyes Capuno ng Tanggapan ng Ingat Yaman; Public Health Nurse and TB Program Nurse Coordinator Ma. Cecilia Tec-Encarnacion ng Tanggapang Pangkalusugan ng Lunsod; Associate Professor and Acting Dean of Liberal Arts Flerida P. Aquino-Layba ng Dalubhasaan ng Lunsod ng San Pablo (DLSP), at Supervising Administrative Officer Emilio Ilagan Tirones ng Tanggapan ng Punonglunsod.
Naging katuwang ng Tanggapan ng Punonglunsod at ng JCI San Pablo Seven Lakes sa taong ito ang Shakey’s San Pablo City, Max’s Restaurant, at Palmera’s Restaurant (Ben Taningco)
Comments
Post a Comment