Sang-ayon  sa kasaysayan, bilang gumaganap na Pangalawang Pangulo ng Bansa at pangunahing  lider ng himagsikan sa Timog Luzon, tinagubilinan ni Heneral Miguel  Malvar sina Heneral Paciano Rizal ng Calamba, Henerala Agueda Kahaban  ng Calauan, at Heneral Severino Taiño ng Pagsanjan na magsagawa ng  puspusang pagbaka sa mga kalabang nakahimpil sa iba’t ibang municipio  na sakop ng Laguna.
      Sa  simula, ang pangkat ni Henerala Agueda ay reserba o nagkakaloob ng karagdagang  kawal sa pangkat nina Heneral Rizal at Taiño kung sino sa kanila ang  napapasuong sa mahigpit na pakikipaglaban. Subali’t noong magtatapos  na ang Buwan ng Agosto, kinailangan ni Henerala Kahaban na gumawa ng  sariling pagsalakay sa isang garrison upang ang mga kaaway ay huwag  magkatulungan sa kanilang pakikihamok at huwag na muling makatipon ng  lakas.
      Sakay  ng isang kabayong puti, at personal na pinangunahan ang pagsalakay sa  matatag ng kuta o maayos na kanlungan ng mga kalaban, ang ipinakita  ni Henerala Kahaban na katapangan at talino sa pakikihamok ay nagsilbing  pampalakas ng loob sa kawal katipunero na nagbunga ng kanilang pagwawagi  sa mahigpit na nasasandatahang mga kaaway.
Comments
Post a Comment